‘Kilig overload ending’ para sa ‘MLFTS’ nina Jen at Gil

August 03,2017
share this

‘Kilig overload ending’ para sa ‘MLFTS’ nina Jen at Gil

August 03,2017
share this

TODO ang pasasalamat ni Jennylyn Mercado sa magagandang feedback na natatanggap niya mula sa K-drama fans para sa akting niya bilang Steffi sa Pinoy version ng Koreanovelang My Love From The Star.

Hindi rin daw niya inaasahang maraming manghihingi ng extension sa kanilang GMA Telebabad series. Dahil din kasi ito sa wagas na chemistry nila ng kanyang leading man na si Gil Cuerva.

Tinatanaw niyang utang na loob ang success ng serye sa mga taong nasa likod ng camera dahil talagang kinakarir ng mga ito ang bawat eksena nila ni Gil at ng iba pang karakter sa serye. Pero para kay Jen, mas malaking tulong ang reaksyon ng fans dahil sila talaga ang nakakapagsabi kung ano ang dapat nilang i-improve at dapat nilang ipagpatuloy sa serye.

Sa nalalapit na pagtatapos ng My Love From The Star, maraming fans ang ayaw pang bumitiw sa love story nina Steffi at Matteo (Gil) kaya naman sulit ang pagod at effort na ibinibigay ng buong cast and crew ng show.

Inaabangan na rin ng publiko kung ani ang magiging ending ng kuwento ng MLFTS, pero isa lang ang sinigurado ng JenGil loveteam – expect a kilig overload ending!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending