Ang BF na ba ang makakatuluyan? (2) | Bandera

Ang BF na ba ang makakatuluyan? (2)

Joseph Greenfield |August 01,2017
facebook
share this

Ang BF na ba ang makakatuluyan? (2)

Joseph Greenfield - August 01, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Angie ng St, Francis Village, Bagbag, Lapu-Lapu City,
Problema:
1. May boyfriend ako sa ngayon at two years na ang relasyon namin. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung kami na po ba ang makakatuluyan, kasi madalas na may nangyayari na sa amin? Kung kami ang magkakatuluyan magiging maligya naman kaya at magiging maunlad kaya ang aming itatayong pamilya?
2. At kung maisipan na naming magpakasal, ano kaya ang suwerte naming kulay lalo na sa araw ng aming kasal? November 16, 1992 ang birthday ko at June 29, 1992 naman ang boyfriend ko?
Umaasa,
Angie Lapu-Lapu City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) at Cancer naman ang boyfriend mo, ang nagsasabing sadyang tugma at compatible kayo sa isat-isa, dahil ang Cancer at Scorpio ay kapwa pinangingibabawan ng elementong water o tubig at sa sandaling kayo ang nagkatuluyan, may pangako ng isang masagana at maligayang pagsasama habang buhay.
Numerology:
Bukod sa zodiac sign na Scorpio at Cancer, sadyang tugma din ang inyong mga numero, dahil ang birth date mong 16 at 29 naman ang boyfriend mo ay kapwa pinaghaharian ng planetang Neptune-Moon, na ngangahulugang kapag kayo ay nagkatuluyan, habang nagtatagal mananatiling matatag at romantikong lagi ang inyong suyuan.
Luscher Color Test:
Mapalad naman ang kulay na dilaw at berde upang piliing motif o opisyal na kulay sa araw ng inyong kasal at puwede rin ang kulay na red. Ang nasabing mga kulay ay maaari ding ipintura o gawing kortina sa inyong itatayong bahay upang laging manahan ang suwerte at magandang kapalaran sa inyong pamilya.
Huling payo at paalala:
Angie ayon sa iyong kapalaran walang duda ang kasalukuyan mo na ngang boyfriend ang iyong makakatuluyan, at ang pag-iisang dibdib na tinuran ay tinatayang mangyayari at magaganap sa susunod na taong 2018 sa buwan ng Hunyo sa edad nyong 25, kung saan, ang nasabing pag-aasawa ay nakatakda na ngang maghatid ng isang maunlad at maligayang pagpapamilya habang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending