Quantcast

Narco-politicians iniisa-isa na nga ba ni Du30?

By

SABAY-sabay ang raid ng PNP-CIDG sa mga bahay at farms nina Ozamis Mayor Reynaldo Parojinog kahapon ng umaga.
Labing-apat ang kumpirmadong namatay kasama ang apat na miyembro ng baranggay peacekeeping action teams.
Patay si Mayor Reynaldo, ang asawa niyang si Susan at kapatid na Board member na si Octavio Parojinog. Arestado naman si Vice Mayor Nova Parojinog-Echavez na sinasabing may relasyon sa Bilibid drug lord na si Herbert Golangco.
Ito ang ikalawang alkaldeng akusado sa droga na napatay. Ang una ay si Albuera Mayor Rolando Espinosa, bukod pa siyempre sa mga arestadong dating Marawi mayor Fahad Salic at ex Medellin Cebu Mayor Richard Ramirez.
Sa Ilocos norte, meron daw tatlong ma-yor doon na sangkot sa illegal drugs sabi ni Gov. Imee Marcos, samantalang sa Iloilo na umano’y most shabulized ay may apat na alkaldeng sangkot sa illegal drugs.
Ang pagkakapatay sa mga Parojinog na naunang isinangkot sa robbery holdup, kidnap for ransom at iba pa ay gatilyo ng debate sa mga pro-Duterte at oposis-yon lalo na ang mga Commission on Human rights.
Sasabihin ng mga naniniwala kay Duterte, dapat lang ang nangyari. Sasabihin naman ng iba, bakit hindi muna kasuhan sa korte kung sangkot talaga sa droga, bago sila pinatay?
Tapos papasok naman ang CHR para magkaroon ng sariling imbestigasyon.
Sa totoo lang, wala akong problema sa CHR maliban sa pag-appoint kay Commissioner Chito Gascon, na dating director general ng Liberal Party at Political Director ng kampanya ni da-ting Pangulong Noynoy noong 2010.
Pero iba at mahabang kwentuhan iyan.
Siyempre, hindi pa-dadaig diyan ang mga senador, partikular yung mga sinasabing “defen-ders” of human rights kasama na si VP Leni Robredo.
Malamang magkaroon na naman ng Se-nate investigation dito lalo’t nalagasan din ang mga otoridad ng apat na Baranggay peacekeeping teams.
Nitong Enero, sabi ni Presidente: “Tatawagin ko ‘yung mga mayor, i-lock ko, kami-kami lang. Sabihin ko talaga, ‘Ganoon kakapal ‘yung ‘pinakita ko sa inyo. Hanapin mo ‘yung pa-ngalan mo diyan, mayor. Pag nandiyan pangalan mo, may problema ka.”
Sa panahong gusto ng tao ang kampanya sa safer communities o ligtas na komunidad, hinahanap nila ang paglipol sa mga bigtime drug lords, narcopoliticians, lalo na kung mga opisyal pa ng gobyerno.
Sa final list ng pangulo, meron silang binanggit na 23 mayors na kumpirmadong sangkot sa droga.
Simula na ba ng pagpatay sa mga narcopoliticians? Pero maraming kwestyon. Noong napatay si Albuera mayor Rolando Espinosa ang hepe ng pulis doon ay si Chief Inspector Jovie Espenido. Ngayong napatay ang mga Parojinog, si Espinido ang kasalukuyang Ozamis city police director. Pareho rin, PNP CIDG Region 10 ang sumalakay sa mga Parojinog hawak ang iba’t ibang search warrants tulad ng grupo ni Supt. Marcos sa Albuera. Nagkataon lang ba?
Wala bang balak ang Duterte administration na sampahan ng kasong illegal drugs ang mga pinagbibintangang alkalde at PNP-CIDG na ang tratrabaho?
Sa ngayon, kinakabahan sigurado ang mga narco-politicians sa buong bansa lalong lalo na ang mga nasa Mindanao na ngayo’y nasa ilalim ng batas militar. Susunod na kaya ang mga alkalde sa mga lalawigan ng Iloilo, Cebu, Ilocos Norte, Samar, Calabarzon at dito sa Metro Manila?
Ang tagal naman!

Para sa komento o tanong, mag-email sa inquirerbandera2016@gmail.com

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement