Matutuloy na ba sa pagbabarko? | Bandera

Matutuloy na ba sa pagbabarko?

Joseph Greenfield |July 29,2017
facebook
share this

Matutuloy na ba sa pagbabarko?

Joseph Greenfield - July 29, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Glen ng Coog, Mandug,  Davao City
Dear Sir Greenfield,
Dati po akong nasampa sa barko bilang seaman, kaya lang local shipping company lang kaya bale inter-island lang ang napasukan ko at dahil maliit ang suweldo bumaba na ako at hindi na sumampang muli. Mula noong ay hindi na ako nakasampa uli pero marami akong inaplayan at nagpabalik-balik ako ka-aaplay kaya naubos na ang ipon ko. Sa ngayon may aplay pa rin ako pero sa abroad na o sa ibang bansa, kaya nais kong malaman kung matutuloy na kaya ako? Balak ko kasi magbarko ng mag-barko para makaipon ako ng maraming pera at kapag marami na akong ipon balak kong mag-asawa na at magnegosyo? Matutupad kaya ang pangarap kong ito at sa taon kayang ito makapagba-barko na kaya ako? Pangarap ko rin po kasing yumaman. At kung yayaman ako kailan kaya ito magaganap? April 2, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Glen ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kitang-kita ang malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin basta’t wag ka lang magsawa sa kapa-fallow-up ng iyong mga papeles at aplay, makikita mo hindi matatapos ang taong ito ng 2017 may isang mabunga at mabiyayang pag-aabroad na itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
Five of Diamonds, Nine of Diamonds at Ten of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung may aplay ka na ngayon o noon pa, sigurado ang magaganap, sa buwan ng Setyembre pinakamatagal na sa buwan ng Oktubre, itatala ang ikalawa at mas mabungang pagsampa sa barko.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending