‘Kita Kita’ kumita na ng mahigit P100-M; AlEmpoy handa na sa susunod na pelikula | Bandera

‘Kita Kita’ kumita na ng mahigit P100-M; AlEmpoy handa na sa susunod na pelikula

Ervin Santiago |July 29,2017
facebook
share this

‘Kita Kita’ kumita na ng mahigit P100-M; AlEmpoy handa na sa susunod na pelikula

Ervin Santiago - July 29, 2017 - 12:10 AM

EMPOY MARQUEZ AT ALESSANDRA DE ROSSI

INAASAHANG mas tataas pa ang kita ng pelikula nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa ikalawang linggo nito sa mga sinehan. Umabot na nga sa P100 million mark ang kinita nito sa takilya as of last Wednesday at patuloy pa rin itong pinipilahan ng madlang pipol.

Nagpasalamat naman ang Spring Films sa napakainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang pelikula, at siyempre, kahit ang tambalang AlEmpoy ay hindi makapaniwala sa tagumpay ng kanilang movie.

Sabi ni Alex sa isang panayam, “Ang nababasa namin sa mga tweets sa amin, sa mga reviews ay ‘yung pagiging natural ng acting namin dalawa. ‘Yung mga tao kasi ang dating sa kanila nang mga ginawa namin sa movie, totoong-totoo ang na-feel nila.”

Nang tanungin si Alex kung posibleng magtambal uli sila ni Empoy after “Kita Kita”, “May naririnig akong tsismis na Iceland (kinunan ang Kita Kita sa Japan) ang next nating gagawin. So sana, sana. Bakit naman hindi? Pero ‘yun nga ang maganda sa amin ganito lang kami masaya lang.”

Hirit naman ni Empoy nang tawagin siyang bagong heartthrob ng local showbiz, “Magre-ready po muna ako sa mga paratang na ganyan pero nakaka-overwhelm po ‘yung ganyan na sinasabi nila.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending