Dabarkads ipinagdarasal ang maayos na pagbubuntis ni Pauleen | Bandera

Dabarkads ipinagdarasal ang maayos na pagbubuntis ni Pauleen

Jun Nardo |July 28,2017
facebook
share this

Dabarkads ipinagdarasal ang maayos na pagbubuntis ni Pauleen

Jun Nardo - July 28, 2017 - 12:50 AM

VIC SOTTO AT PAULEEN LUNA

SIGURADONG ngayon pa lang ay naghahanda na sina Vic Sotto at Pauleen Luna sa paglabas ng kanilang panganay na anak.

Nasa kalagitnaan na ng pagbubuntis si Poleng kaya ilang buwan na lang ay ipapanganak na niya ang first baby nila ni Bossing. Ipinost ni Pauleen ang latest sonogram ng kanyang pagbubuntis na may caption na, “Hi my little girl! #lookup #journeytomamahood.”

Maraming nakapansin na matangos daw ang ilong ng baby base sa sonogram na nakita nila. Bumaha rin ng pagbati sa IG ni Poleng mula sa kanyang followers na nagsabing ipagdarasal ang maayos niyang panganganak.

Ngayon pa lang ay excited na ang lahat ng Dabarkads sa paglabas ng anak nina Vic at Poleng.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending