Daniel di na matutuloy sa Darna; pero itatambal pa rin daw kay Liza | Bandera

Daniel di na matutuloy sa Darna; pero itatambal pa rin daw kay Liza

Julie Bonifacio |July 28,2017
facebook
share this

Daniel di na matutuloy sa Darna; pero itatambal pa rin daw kay Liza

Julie Bonifacio - July 28, 2017 - 12:05 AM

DANIEL PADILLA AT LIZA SOBERANO

TRENDING topic ang naisulat namin tungkol sa pagtatambal nina Daniel Padilla at Liza Soberano.

To refresh our readers, we mentioned that someone very close to Daniel ang nagpu-push na siya ang kunin na leading man ni Liza sa “Darna” movie directed by Erik Matti.

Last night, hot item ang isyu sa evening talk show ng ABS-CBN, ang Tonight With Boy Abunda hosted by Asia’s King of Talk Boy Abunda, ang tambalang Daniel-Liza.

Sa panayam kay Daniel, sinabi niya na wala namang nababanggit sa kanya na siya ang kinukuhang leading man ni Liza sa “Darna.”

Tama naman ‘yun dahil posibleng hindi naman nakarating kay Daniel ang tsika na may nagpu-push na subukan naman na ipareha siya sa ibang Kapamilya leading lady bukod sa Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo.

Pinanindigan naman ng aming source na true ang tsika niya sa amin na may isang malapit kay Daniel na nag-suggest kung pwede siyang gawing leading man ni Liza sa “Darna.” But then, mukhang ‘di uubra ang schedule ng aktor sa requirement ng timetable ni Direk Erik para sa shooting nila kaya out na si Daniel sa list ng possible leading man ni Liza.

Sa kabila nito, nagkaroon daw ng interes ang management sa possible Daniel-Liza tandem.  Hindi man sila matuloy magtambal sa “Darna,” maaaring sa mga susunod na projects nila in the future.

And what about Kathryn, tiyak na magbubunyi naman ang fans ng young actress dahil sasabak na siya sa paggawa ng indie film na isasali sa kilalang local filmfest.

We heard, napaka-challenging daw ng role ni Kathryn sa movie. Ibang-ibang Kathryn na raw ang masisilayan ng kanyang fans and critics sa nasabing proyekto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending