Tambalang Kris Aquino-Lolit Solis sa tv pinaplano na raw ng GMA 7 | Bandera

Tambalang Kris Aquino-Lolit Solis sa tv pinaplano na raw ng GMA 7

Ambet Nabus |July 27,2017
facebook
share this

Tambalang Kris Aquino-Lolit Solis sa tv pinaplano na raw ng GMA 7

Ambet Nabus - July 27, 2017 - 12:10 AM

IN na in na naman ngayon si Kris Aquino sa usaping showbiz dahil sa mga bonggang kuwento ni Nay Lolit Solis, na nakasama niya sa wedding ni Cong. Alfred Vargas.

In fact, isa kami sa aliw na aliw sa mga anik-anik na kuwento ni Nay Lolit tungkol sa kung paano niyang ineklay-eklay at tinuksu-tukso si Kris. Matalino talaga ang mommy nina Kuya Josh at Bimby dahil bongga ang naging reaksyon nito sa mga pasabog ni Nay Lolit. Talagang nag-dialogue ito na kukunin niyang manager for her TV career ang TV host.

Ang latest ngang narinig namin ay seryoso nang pinag-uusapan ngayon ng GMA 7 ang posibleng pagbabalik sa TV ni Kris with Nay Lolit as co-host.

Although alam naming “laro-laro” na lang sa talent manager ang paghu-host sa TV, nakaka-excite pa ring isipin ang pagsasama nila dahil pareho nga silang taklesa at madaldal.

Kabog sa mga pasabog at walang blind-item-blind item kesehodang artista, sports figure, negosyante o pulitiko ang mga subjects nila. Ha-hahaha! Winner yun, noh!

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending