Kim malas daw kaya kinansel ang concert ni Justin Bieber sa Pinas | Bandera

Kim malas daw kaya kinansel ang concert ni Justin Bieber sa Pinas

Jobert Sucaldito |July 27,2017
facebook
share this

Kim malas daw kaya kinansel ang concert ni Justin Bieber sa Pinas

Jobert Sucaldito - July 27, 2017 - 12:05 AM

TAMA lang ang naging desisyon ni Kim Chiu na sa Hongkong na lang panoorin si Justin Bieber dahil kasabay ng supposed Sept. 30 concert nito sa Philippine Arena ang kanilang Star Magic Ball.

Kung hindi siya nakabili ng tickets para sa Hongkong concert ni Papa Justin ay malamang na hindi nga sila magkikita. Kasi nga, cancelled ang concert ni Justin sa Pilipinas due to some unavoidable circumstances.

Marami ang sumisisi kay Kim sa pagkaudlot ng concert ni Bieber dito sa bansa. Kung di raw ito nag-ingay sa kiyemeng pagkikita nila ay baka natuloy pa raw si Justin. Ha! Ha! Ha! Iyan ang malaking kababawan, ang ibato ang sisi kay Kim. Malay naman ni Kim diyan, no!

“Kasi masyado siyang nag-ingay na magkikita sila. Di ba, madalas na nangyayari sa buhay natin na kapag asang-asa kang may ganitong mangyayari sa buhay mo ay nauudlot. Kaya si Kim talaga ang may dala ng kamalasan sa pagkaudlot ng concert ni Justin dito,” talak ng isang Belieber.

Hey, hindi lang naman kayo ang fans ni Justin, ‘no! Gusto ko rin siya pero hindi ako atat na mapanood siya sa concert. Hanggang pangarap na lang ako na nagdi-dinner kaming dalawa sa kuwarto ko. Gusto ko dinner in bed. Ha! Ha! Ha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending