Madlang pipol awang-awa kay Beauty, binantaan si Raymond | Bandera

Madlang pipol awang-awa kay Beauty, binantaan si Raymond

Ervin Santiago |July 26,2017
facebook
share this

Madlang pipol awang-awa kay Beauty, binantaan si Raymond

Ervin Santiago - July 26, 2017 - 12:10 AM

MARAMING naaawa ngayon sa karakter ni Beauty Gonzales sa afternoon series na Pusong Ligaw bilang si Tessa Magbanua. E, kasi nga, halos araw-araw na lang ay sinasaktan siya ng kanyang asawang si Jaime Laurel (Raymond Bagatsing).

Ang feeling kasi ni Jaime, may namamagitan pa rin kay Tessa at sa dati nitong boyfriend na si Caloy (Joem Bascon). Dahil sa pananakit ni Jaime kay Tessa, nagwawala rin sa galit ang mga manonood.

Sabi ng isang netizen, “Lumaban ka kasi Tessa girl! Wag mong hayaang bugbugin ka lagi ng asawa mo! Dyusko, kung ako ‘yan baka napatokhang ko na yang lalaking ‘yan!”

Reaksyon naman ng isa pang adik sa Pusong Ligaw, “Hayop talaga yang si Jaime! Lagot ka kay Caloy siguradong reresbak ‘yan para sa greatest love niya. Maghanda-handa ka na, bwisit ka!”

Ganyan kaapektado ang viewers sa mga eksena ngayon sa Pusong Ligaw. Talagang relate na relate sila sa kuwento ng serye, lalo na siguro ang mga misis na sinasaktan din ng kanilang mga mister dahil sa matinding selos.

Bukod dito, inaabangan din kung ano ang gagawing aksyon ni Vida (Sofia Andres) matapos niyang malaman na ninakaw pala ang kanyang mga design. Magtagumpay kaya si Marga (Bianca King) sa mga bago niyang pasabog laban kay Tessa? Abangan lahat ‘yan sa pagpapatuloy ng Pusong Ligaw after It’s Showtime sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending