Jake Zyrus pinanindigan ang pagkalalaki; binigyan ng warning ang fans ni Charice | Bandera

Jake Zyrus pinanindigan ang pagkalalaki; binigyan ng warning ang fans ni Charice

Cristy Fermin |July 25,2017
facebook
share this

Jake Zyrus pinanindigan ang pagkalalaki; binigyan ng warning ang fans ni Charice

Cristy Fermin - July 25, 2017 - 12:15 AM

JAKE ZYRUS

MAY concert pala si Charice Pempengco sa Music Museum sa October 6. Maraming nagkokomento na ‘yun siguro ang dahilan kung bakit siya nag-iingay.

Pero meron nang babala ang grupo ni Charice, ang mapapanood daw sa concert ay hindi na siya, kundi ang bago na niyang katauhan bilang transman na si Jake Zyrus.

Mababa na ang boses, wala nang dibdib at meron nang bigote. ‘Yun na ang makikita ng mga manonood ng kanyang concert at burado na sa kanyang pagkatao ang dating hinangaang international singer na si Charice.

Maganda ang tiyempo ng kanyang konsiyerto. Maingay na pinagpipistahan ngayon si Jake Zyrus.

Natural lang na maraming maku-curious ngayon na makita ang nagbagong-anyong si Charice.

Kikita ang kanyang palabas kahit para man lang sa ganu’ng punto, kahit hindi na magandang konsepto ang gawin sa concert, panalo na ‘yun.

Tingnan na lang natin kung nagbago na nga ang kanyang boses, kung bumitiw na sa kanyang pagkatao si Charice at tinalo na ni Jake, mula sa concert na ito ay tatanggap nang mas masusing pagpansin si Charice.

Kailangan niyang panindigan na pinagbago na ng mga itinuturok sa kanya ang timbre ng kanyang boses, dahil kung hindi, siya pa rin si Charice Pempengco at ilusyon lang si Jake Zyrus.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending