Jessy kailangang pakasalan agad si Luis bago mahuli ang lahat... | Bandera

Jessy kailangang pakasalan agad si Luis bago mahuli ang lahat…

Jobert Sucaldito |July 25,2017
facebook
share this

Jessy kailangang pakasalan agad si Luis bago mahuli ang lahat…

Jobert Sucaldito - July 25, 2017 - 12:10 AM


MAY  nakatsikahan kaming taga-Banana Sundae regarding dito kay Jessy Mendiola. I mean, yung pagkatsugi niya sa show. Kasi nga, nauna nang lumabas na kaya ito tinanggal sa gag show ng ABS-CBN dahil sa sobrang pagmamaldita sa wardrobe staff.

Pag ayaw nga raw niyang isuot ang damit na dinesenyo for her sa show ay di mo talaga siya mapipilit.

And knowing her in an encounter in the past, I believed the said news item pero deadma na lang ako.

Itinanggi ito ng kampo ni Jessy noon, ang sinabi nila ay kaya siya umalis sa show dahil she will star a movie anytime soon kaya she had to leave Banana Sundae.

“Anong pelikula raw ‘yun? Wala naman, di ba? Palusot lang nila iyan para di mapahiya si Jessy. Ayoko lang magsalita pero mabuti na rin yung wala na siya sa show,” sabi ng isang taga-Banana Sundae na nakausap namin accidentally.

Oo nga naman. Mabuti sana kung nag-start na siyang mag-film at talagang masikip ang schedule para she had to file a leave of absence muna pero wala pa naman, eh. Plano pa lang pala ang sinasabing pelikula pero nawala siyang bigla sa show. Naku, para namang di niyo kilala si Jessy – ibang klase iyan.

Maniwala kayo sa akin. Muntik na akong ma-high blood sa babaeng iyan.

“Kaya alagaan na lang niya si Luis Manzano para buhay siya dahil marami nang ipon si Luis. Pakasalan na niya agad kasi baka magising pa sa katotohanan at iwanan siya. Habang in love pa si Luis sa kanya, ibahay na niya. Siya rin, baka magmukha siyang tuyot na ampalaya kapag bigla siyang binitawan ni Luis!” sabi ng malditang friend namin. Maldita pa kay Jessy. Ha! Ha! Ha!

q q q

Ang layo ng ibiniyahe ng anak-anakan nating si Kiel Alo the other day para pagbigyan lang ang lambing ng friend naming si Edgar Gomez na mag-guest sa event niya sa Libon, Albay with Big Mouth.

More than 10 hours ang trip papuntang Albay via van na umaapaw sa pasahero. Mabuti sana kung mga three or four lang silang pasahero papunta roon pero hindi, eh. Mga 12 or 13 daw silang lahat kaya sobrang sakit daw sa puwet.

“Baka sa pag-uwi namin ay konti na lang kami kasi kasama ni Mama Edgar ang ibang former classmates niya papunta,” ani Kiel na di mo man lang nakitaan ng pagkayamot. Mas nayamot pa nga ako thinking of that long land trip with so many passengers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaloka ka kafatid na Edgar. Next time, bibilangin ko talaga kung ilan ang pasahero bago ko papayagan ang artist kong sumama sa iyo. Kailangan din kasi nilang maka-relax while traveling, ‘no! Mahirap yung hindi nakaka-strecth ang mga paa niyo. Baka atakehin pa kayo pag ganoon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending