Dalawa ang Boyfriend (2) | Bandera

Dalawa ang Boyfriend (2)

Joseph Greenfield |July 24,2017
facebook
share this

Dalawa ang Boyfriend (2)

Joseph Greenfield - July 24, 2017 - 01:06 PM

Sulat mula kay Vivian ng Diaz Subdivision, Lagao, Gen San City
Problema:
1. Dalawa ang boyfriend ko sa ngayon, pero hindi nila alam na dalawa sila sa buhay ko. Ang una ay isang engineer na tawagin na lang nating Mr. Virgo isinilang noong September 18, 1989 at ang ikalawa naman ay isang seaman na tawagin na lang nating Mr. Aries na isinilang noong April 16, 1990. August 10, 1992 naman ang birthday ko. Itatanong ko lang sana sa inyo kung sino sa dalawang boyfriend ko ang mas ka-compatible ko at dapat kong mapangasawa, u-pang magkaroon ako ng isang maunlad at maligayang pagpapamilya.
2. Sa ngayon kasi ba-lak kong mag-stick to one na lang para wala na akong pinoproblema pa. At itatanong ko na rin po sana kung kailan kaya ako makapag-aasawa, yon ibang mga friends ko kasi ay may mga asawa at mga anak na?
Umaasa,
Vivian ng Gen San
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) ay nagsasabing higit mong ka-compatible ang isang Aries kung ikukumpara sa isang Virgo, kaya nga ang Astrology ang nagsasabing mas magi-ging maligaya ka sa BF mong seaman na may birthday na April 16, 1990.
Numerology:
Ang birth date mong 10 ay isang strong number na may ruling planet na Sun, kung saan, bagay na bagay ito sa isang weak number na 16 ng boyfriend mong si Mr. Aries. Kung saan, ang pagsasama ng birth date na 10 at 16 ay sadya ngang magiging masagana at maligaya.
Luscher Color Test:
Sa sandaling kayo ang nagkatuluyan ng boyfriend mong may zodiac sign na Aries, ugaliin nyong laging gumamit ng kulay na dilaw, pula at berde. Ang nasabing kulay ang lalo pang magdadala sa inyong relasyon ng ligaya at pang habang buhay na kasagaan.
Huling payo at paalala:
Vivian ayon sa iyong kapalaran, sa sandaling namili ka na sa dawalang boyfriend mo, upang hindi mamali ng pasya, siguraduhin mong si Mr. Aries na may birth date na April 16, 1990 ang pipiliin mo, dahil sa pi-ling niya sa sandaling siya na ang napangasawa mo, walang duda, makakaranas ka ng isang maunlad, maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending