Mga anak ng pangulo nasa Batasan na rin | Bandera

Mga anak ng pangulo nasa Batasan na rin

|July 24,2017
facebook
share this

Mga anak ng pangulo nasa Batasan na rin

- July 24, 2017 - 03:38 PM

 

Maagang dumating sa Batasan Pambansa Complex ang mga anak ni Pangulong Duterte para saksihan ang kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

Sa kanyang Instagram account ay ipinakita ni Davao City Mayor Inday Sarah ang kanyang kulay Pink na terno.

Pareho namang naka-suot ng barong sina Davao City Vice Mayor Paulo Duterte at Baste Duterte.

Ilang minuto na lang at masasaksihan at maririnig na ang ikalawang SONA ng pangulo sa loob ng plenary hall ng Batasang Pambansa sa Quezon City.

Bago tuluyang makapasok sa Kamara ay dadaan sa maraming checkpoints ang mga bisita ng SONA.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na posibleng lumampas sa isang oras ang ikalawang SONA ng pangulo ngayong araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending