MOVIE REVIEW: 'Kita Kita' nina Alessandra at Empoy, isang de-kalidad na pelikula para sa lahat | Bandera

MOVIE REVIEW: ‘Kita Kita’ nina Alessandra at Empoy, isang de-kalidad na pelikula para sa lahat

|July 21,2017
facebook
share this

MOVIE REVIEW: ‘Kita Kita’ nina Alessandra at Empoy, isang de-kalidad na pelikula para sa lahat

- July 21, 2017 - 11:17 PM

PALABAS na ngayon ang pelikula nina Alessandra  de Rossi at Empoy Marquez at sa ganda ng pelikula,  nakaka-proud na maging Pinoy.

Halos mahigit 90 porsiyento ng pelikula ay umiikot sa kwento nina Lea(Alessandra) at (Tonyo) at talagang kahanga-hanga ang dalawang bida sa pelikula.

Sa Japan kinunan ang pelikula at dahil sa galing nina Alessandra at Empoy hindi nakakabagot kahit pa halos sa kanila lang dalawa umiikot ang pelikula.

Sobrang nakakaaliw sina Alessandra at Empoy. Sasakit ang tiyan ng lahat ng manonood dahil sa kanilang normal na mga patawa.

Tiyak kong sa mga nakapanood ng trailer ng pelikula ay pare-pareho ang nasa isip, kung ano ang magiging reaksyon ni Lea sakaling makakita siyang muli.

Medyo may twist ang pelikula na siyempre hindi ko na ikukuwento para panoorin ninyo.

Bukod sa patatawanin kayo, paiiyakin din kayo ng pelikula.

Sa mga nais mainlove at mga hopeless romantic, bagay na bagay sa inyo ang kwento ng pelikula.

Mag-eenjoy din maging ang mga bagets dahil sa sobrang kwela ng pelikula.

Sa iskor na 1 hanggang 10 kung saan 10 ang pinakamataas, bibigyan ko ang pelikula ng 10.

By the way, ito pa lamang ang nabigyan ko ng iskor na 10. Enjoy watching the movie!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending