Chynna tuturuan ng ‘leksyon’ ni Chef Boy | Bandera

Chynna tuturuan ng ‘leksyon’ ni Chef Boy

|July 22,2017
facebook
share this

Chynna tuturuan ng ‘leksyon’ ni Chef Boy

- July 22, 2017 - 12:15 AM

SANIB-PWERSA si Kapuso actress Chynna Ortaleza at ang paboritong celebrity chef ng lahat na si Chef Boy Logro sa latest offering ng GMA News TV na Idol Sa Kusina.

Matagal nang gustong masubukan ni Chynna ang pagluluto kaya perfect ang magiging team up nila ni Chef Boy sa kakaibang cooking show na ito kung saan bilang estudyante, susubukan niyang maging culinary expert.

“I am very excited to learn from the best. Chef Boy and the whole Idol Sa Kusina family has been very supportive. I am a new mom who has never found her way to the kitchen. Wala akong masyadong experience sa kusina pero with their help alam ko makakaluto rin ako ng masasarap na pagkain na pwede kong i-share sa loved ones ko at sa lahat ng nanonood sa amin” ani Chynna.

Excited din naman si Chef Boy na maipasa ang skills niya sa mga mommy na tulad ni Chynna, “She’s like my sous chef (second in command ng head chef sa isang restaurant). Of course, I have my school, it’s about time na turuan ko siyang maging chef na slowly. Alam ko namang matututo naman.” sey ni Chef Boy.

Bilang panimula ng magiging cooking lessons ni Chynna, maghahanda ang Idol Sa Kusina ng mga masasarap na fusion dishes. Lalagyan ng Italian twist ni Chef Boy ang Kaldereta sa pamamagitan ng pag-gawa ng Kaldereta Ravioli. Kung nais nyo naman ng ibang take sa kalamares eh maghahanda ang dalawang host ng Hot Calamari Salad with Miso Vinaigrette.

Makiki-join din sa kusina nila si Francine Prieto (mapapanood sa seryeng Haplos ng GMA) na ready rin para ma-kiluto at makikain.

Para sa meryenda, bi-bigyan ng fusion twist ang paborito n’yong “dynamite” na lalagyan ng pork and beans. Matuto ring gumawa ng sosyal na Apple Cinnamon Turon.

Mapapanood na ang bagong season ng Idol Sa Kusina ngayong Linggo, after Ang Pinaka sa GMA News TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending