BF demanding na nga, parati pang galit | Bandera

BF demanding na nga, parati pang galit

Beth Viaje |July 21,2017
facebook
share this

BF demanding na nga, parati pang galit

Beth Viaje - July 21, 2017 - 12:10 AM

HELLO, Ateng Beth!

I am Mary An from Bacolod City.

Ateng Beth, hihingi po sana ako ng payo sa inyo. May boyfriend po ako na nagtatrabaho sa Saudi Arabia habang nandito naman po ako sa Bacolod.

Sa ngayon po ay hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko.  Marami kasi siyang gustong negosyo na itayo namin pero kapos naman po kami sa pera.  Ang gusto po niya ang lahat ng sasabihin niya ay parati kong susundin.  Lagi siyang galit sa akin samantalang ginagawa ko naman ang lahat para maging OK kami.  Kaso po, over demanding po siya, at hindi pa kami kasal sa lagay na iyan.  Kaya nag-aalangan na po ako sa kanya.

Anong gagawin ko, Ateng Beth, hihiwayalan ko ba siya o intidin ko na lang?
Mary An

Hi, Mary An!

Bilang babae, you should alwasy listen to your gut feeling, ‘yun bang woman’s instinct. If something does not feel right, walang masama kung mag-isip at lalong hindi masama ang mag- iingat.

On the other hand, bakit hindi mo siya tapatin sa nararamdaman mko tungkol sa pakikitungo niya sa iyo.

Pag-usapan din ninyo nang maayos yung mga negosyo na nais niyang pasukin.  Try din.

Pero dapat isulat mong lahat ang mga gastusin, bawat pisong pumapasok at lumalabas.  So, in case na maghanap siya ng pera na ipinadadala niya sa iyo, at least maipapakita mo yung rekord at para hindi ka pagbibintangang nagpabaya.

Tanungin mo rin siya kung ano ba ang isyu niya at lagi siyang galit sa yo.
Pero kung sabi mo nga ay ginawa mo na ang lahat, then do the best na iniisip mong gawin to save yourself.

Again, LISTEN to your gut feel.

Ateng Beth

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May problema sa puso, relasyon o pamilya?  I-text lang sa 09989558253 o kaya ay mag-email sa [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending