Solusyon sa problema ng LTFRB, Grab at Uber | Bandera

Solusyon sa problema ng LTFRB, Grab at Uber

Ira Panganiban |July 21,2017
facebook
share this

Solusyon sa problema ng LTFRB, Grab at Uber

Ira Panganiban - July 21, 2017 - 12:10 AM

“IF you can’t be excellent, be efficient.”

Habang hindi pa naaayos ang isyu, maaari pa ring bumiyahe ang mahigit 50,000 drivers ng Uber at Grab upang maserbisyuhan ang mga commuters sa bansa na ayaw sumakay ng bus, taxi, jeep o magdala ng sarili nilang sasakyan.

Maaari na rin nilang ipasa ang mga dokumentong kailangan upang maging legal ang operasyon ng mga Uber at Grab drivers.

Ito ang kasunduan ng LTFRB at mga TNVS upang hindi maipit ang taumbayan.

Subalit temporary lamang ang solusyon na ito. Hindi pa rin nito naresolba ang main point ng LTFRB na dapat lahat ng pampublikong sasakyan ay may prangkisa galing sa kanila.

Medyo hilo na yata talaga ang mga old foggies sa LTFRB. Dahil nais nilang ipatupad ang makalumang batas sa isang makabagong sistema na walang katulad o katapat sa anumang batas na kanilang hinahawakan.

Iyan ang tinatawag na “efficiency absent of purpose” na isa sa sakit ng “established organizations.”
Ito ay yung mahusay na pagpapatupad ng mga polisiya kahit na hindi na angkop sa sistema, panahon at katotohanan.
Sa mga korporasyon, ang madalas na resulta ng “archaic” na policies ay ang pagbagsak ng productivity at di malayo ang pagsara ng kumpanya.

May mga paraan naman para magawan ng solusyon ang isyu sa Grab at Uber, pero kailangan ng “creative” na paraan upang magawan ng solusyon ang problema. Kailangan lamang tingnan ang isyu sa “creative” na paraan.

Ang nature ng Grab at Uber ay “ride-sharing” program na gumagamit ng mobile application upang makahanap ng masasabayan na kotse na papunta sa patutunguhan. Nilagyan ito ng bayad upang ma-compensate naman ang may-ari ng kotse. Nagsimula at naging popular ito sa San Francisco at hindi Uber ang unang gumamit nito kundi ang “Lyft.”

Dito, ginawa itong negosyo ng ilang mga Taxi firms at mahuhusay na negosyante. Pero karamihan pa rin ng driver ng Uber at Grab ay mga de-kotseng pribadong mamamayan na nais kumita sa oras na gusto nila.

Kung ganun, bakit hindi na lang natin tukuyin ang kaibahan at i-regulate sila base sa sistema ng kanilang operasyon.

Kung taxi company ang papasok sa Uber at Grab, tama lamang na kumuha sila ng prankisa sa LTFRB dahil kumpanya silang nagpapatakbo ng public tansport service. Gayundin sa mga bibili ng mahigit sa isang sasakyan at gagawing Uber or Grab service dahil public utility operation na sila.

Pero sa mga indibidwal na driver, siguro ay maaari na ang pagrehistro sa DTI bilang indibidwal na negosyo at paglista ng sasakyan at pangalan ng driver sa LTFRB at LTO na hindi kailangan ng permit permit pa.

Maaaring tumulong ang Uber at Grab sa sistemang ito.

Sa ganitong paraan, makukuha din ng ahensiya ng pamahalaan (LTFRB sa isyung ito) ang hinahabol nilang buwis galing sa operasyon ng negosyo sa hawak nilang teritoryo.

Dahil hindi kailangan ang efficiency sa isyung ito kundi creativity para magawan ng solusyon,

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa comment at tanong, mangyaring sumulat sa [email protected] o kaya ay sa [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending