Solon feeling guwapo dahil sa bagong stem cell, botox | Bandera

Solon feeling guwapo dahil sa bagong stem cell, botox

Den Macaranas |July 21,2017
facebook
share this

Solon feeling guwapo dahil sa bagong stem cell, botox

Den Macaranas - July 21, 2017 - 12:10 AM

ABALA sa pagpapaganda ng katawan ang isang may edad na ring mambabatas kaya hindi siya visible sa publiko sa mga nakalipas na araw bukod pa sa naka-recess naman ang Senado at Kamara sa mga panahong ito.

Pero sa Lunes ay back to work na ang ating mga mambabatas kaya muli na nating makikita si Sir.
Sinabi ng aking Cricket na nagpa-stem cell theraphy daw ang ating bida sa abroad at isinunod naman niya ang botox dahil medyo kulubot na rin ang kanyang mukha.

Wala namang masama sa ginawa ni Sir dahil gusto lang naman niyang maging feeling healthy at good looking lalo na sa harap ng publiko.

Bukod dito ay nagkaka-edad na rin naman ang ating bida kaya panahon na para ayusin nya ang kanyang itsura.

Dati na natin siyang naging subject sa ating Wacky Leaks makaraang atakehin ng pananakit ng dibdib habang nagja-jogging sa pag-asang mababawasan ang kanyang timbang.

Hindi na niya ito muling inulit pa dahil baka matuluyan na raw siya sa ikalawang pagkakataon.

Sinabi ng ating Cricket na isang kapwa rin nya mambabatas ang nagrekomenda sa kanya na magpa stem cell at botox dahil gumanda raw ang kanyang pakiramdam after na sumubok sa nasabing mga procedures.

At dahil alam niyang after ng State of the Nation ng pangulo ay back to heavy work na naman sila kaya naghanda na si Sir ayon pa sa aking Cricket.

At para maging kumpleto ang kanyang makeover, bumili rin ng bagong SUV ang ating bida na kanyang paniguradong ibabandera sa gaganaping Sona sa Lunes.

Ang mambabatas na inaasahang poging-pogi ang dating sa Lunes kaugnay sa muling pagbubukas ng sesyon ay si Mr. F….as in Frappe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending