Sidekick ni Baste Duterte binigyan ng trabaho ni Digong sa MTRCB

By Jun Nardo July 21,2017
share this

Sidekick ni Baste Duterte binigyan ng trabaho ni Digong sa MTRCB

By Jun Nardo July 21,2017
share this

BOGART THE EXPLORER AT BASTE DUTERTE

NADAGDAGAN na naman ang showbiz sa MTRCB board member, si Bogart The Explorer, ang bagong appointee ni President Rodrigo Duterte kahapon.

Permanent fixture si Bogart sa TV5 shows at recently, lumabas siyang sidekick ng presidential son na si Baste Duterte sa travel show na Lakbai. Kaya nga hindi siya ligtas sa intriga, huh!

Sa ngayon, marami-rami na rin showbiz personalities ang naglilingkod sa administrasyon ni P-Duterte tulad nina Aiza Seguerra, Liza Diño, Arnell Ignacio, Cesar Montano, Mocha Uson,‘yung mga bagong upo rin sa MTRCB at nitong nakaraang mga araw, sina Isko Moreno at utol ni Cesar na si Rommel Montano sa Optical Media Board bilang director.

First year pa lang ni Digong kaya may pag-asa pa ‘yung iba!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending