Bf ng nagdemanda kay Noven rumesbak sa bashers; hindi ito pera-pera lang! | Bandera

Bf ng nagdemanda kay Noven rumesbak sa bashers; hindi ito pera-pera lang!

Jobert Sucaldito |July 21,2017
facebook
share this

Bf ng nagdemanda kay Noven rumesbak sa bashers; hindi ito pera-pera lang!

Jobert Sucaldito - July 21, 2017 - 12:15 AM

NOVEN BELLEZA

MASWERTE pa rin si Tawag Ng Tanghalan champion Noven Belleza dahil naibaba sa sexual assault ang kasong isinampa sa kanya from rape kaya nakapag-bail siya ng P120,000 sa Cebu.

Kasi nga, kung ibabase naman talaga sa totoong pangyayari, regardless kung ito ay frame-up or talagang nangati ang lolo Noven natin, sa sexual assault lang talaga ito babagsak. Wala namang puwersahang penetration – it was his fingers daw ang ginamit sa girl. It’s still under sexual molestation pero hindi rape, di ba?

“Ang kuwento raw diyan ay the alleged victim ay kasamahan ni Noven sa Tawag Ng Tanghalan grand finals na naging ka-close niya. Kaya magka-text sila madalas. In short, they’re really comfortable with each other. Kaya nu’ng pumunta si Noven sa Cebu para mag-guest sa show ni Vice Ganda last July 15, ang girl ang tumayong tour guide niya roon.

“Hindi totoong madaling araw nangyari iyon, 2 p.m. daw sa condo na tinuluyan ni Noven. Siguro ipinasyal siya ng girl during the earlier time of the day and at nu’ng hapon ay bumalik na sila sa condo. This girl asked Noven if she could use his bathroom dahil naiihi raw ito.
“At doon na nga nangyari ang sinasabing sexual assault. Kung paanong nangyari ang akusasyon ng girl ay di na natin alam. Mahirap mag-conclude dahil hindi natin nakita ang mga pangyayari.

“Sa pagkakilala namin kay Noven bilang kababayan namin sa Negros, he’s such a good man. Mabait iyan. But you know, pag sa sexual aspect ay di natin batid. First time itong nangyari sa kanya.
“I just heard from someone sa Cebu, hindi lang daw ito first time na ginawa nu’ng girl ang ganito, yung magkaso sa lalaki. Meron na raw parang ganitong scenario in the past. I hope this is not true,” sabi ng source natin from Negros who’s very close kay Noven.

Bukas ang pahinang ito para sa side ng girl as far as this angle is concerned para ma-clear naman niya ang kaniyang name. Let’s not judge her or Noven yet – it’s for the court to determine sa kahihinatnan ng kasong ito. Noven remains innocent until proven guilty, right?

Ang latest, nagsalita na rin ang sinasabing boyfriend ng biktima na nag-post pa raw ng napakahabang mensahe sa Facebook bilang sagot sa mga bashers. Sinabi nitong huwag husgahan agad ang kanyang kasintahan dahil hindi naman nila ang buong pangyayari.

Tinawag pa raw nitong “manyak” si Noven at sana raw ay huwag mangyari sa mga bashers ang ginawa sa kanyang kasintahan. Hindi rin daw totoo na pera ang habol ng biktima kay Noven at gusto lang nitong sumikat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending