Yassi inatake ng depresyon nang mamatay ang 'anak' | Bandera

Yassi inatake ng depresyon nang mamatay ang ‘anak’

|July 20,2017
facebook
share this

Yassi inatake ng depresyon nang mamatay ang ‘anak’

- July 20, 2017 - 12:01 AM

NANINIWALA si Yassi Pressman na hindi hinahanap ang lovelife, kusa itong dumarating sa tamang panahon.

Sa presscon ng Nivea Deo kung saan pormal na ipinakilala si Yassi bilang kauna-unahang Pinay endorser ng nasabing brand, sinabi ng dalaga na hindi minamadali ang pagkakaroon ng boyfriend. Ang huling lalaking na-link kay Yassi ay si Sef Cadayona nang magkasama pa sila sa GMA.

“Hindi naman dapat madaliin yung mga ganu’ng bagay. Kapag nandiyan na, mararamdaman mo naman, e.”

Hindi rin siya nakikipag-date ngayon dahil wala na siyang time para rito. Bukod sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano at sa pelikula nila ni Sam Milby na “Ang Pambasang Third Wheel”, kaliwa’t kanan din ang commitments niya para sa kanyang mga endorsement.

Sobrang pasasalamat nga ni Yassi sa ABS-CBN, kay Coco Martin at sa Ang Probinsyano sa pagbibigay sa kanya ng chance na makasama sa nasabing serye.

Hindi kasi maikakaila na dumami ang endorsements ni Yassi simula nang maging bahagi siya ng teleserye ni Coco. Kaya nga inamin ng dalaga na malulungkot siya kapag tinanggal na ang karakter niya sa programa. Kaya lagi niyang ipinagdarasal na sana’y tumagal pa siya sa Probinsyano.

Nasabi rin ni Yassi sa presscon ng Nivea Deo na nami-miss na niya ang anak nila ni Coco sa serye na si Ricky Boy. Namayat nga raw siya matapos magkaroon ng kaunting depresyon nang mawala ang bata sa show dahil halos naging nanay na talaga siya ng bata sa set. Parang nawalan daw talaga siya ng anak.

Anyway, perfect talaga si Yassi bilang endorser ng Nivea Deo dahil talaga namang super kinis ng kanyang kilikili. Siguradong lahat ng kababaihan ay gustong magkaroon ng ganu’ng kaputi at ka-flawless na underarm.

Ayon sa mga taong nasa likod ng Nivea Deo, taglay ni Yassi ang mga qualities na hinahanap nila sa isang Filipina na magre-represent sa kanilang produkto na affordable talaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending