Rizal prosecutor tinumba | Bandera

Rizal prosecutor tinumba

John Roson |July 19,2017
facebook
share this

Rizal prosecutor tinumba

John Roson - July 19, 2017 - 05:31 PM
Nasawi ang assistant prosecutor ng Rizal nang pagbabarilin ng mga armadong naka-motorsiklo sa bayan ng Taytay, Martes ng hapon, ayon sa pulisya. Pinagbabaril si Maria Ronatay sa bahagi ng Ortigas Ext. na sakop ng Brgy. San Isidro dakong alas-5, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Sakay si Ronatay ng kanyang Honda CR-V (UQI-133) nang pagbabarilin ng dalawang lalaking magkaangkas sa itim na motor, ayon sa ulat. Inaalam pa ang pagkakakilanlan at motibo ng mga salarin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending