Maymay umamin: Muntik nang di ituloy ang pagpasok sa showbiz | Bandera

Maymay umamin: Muntik nang di ituloy ang pagpasok sa showbiz

Ervin Santiago |July 19,2017
facebook
share this

Maymay umamin: Muntik nang di ituloy ang pagpasok sa showbiz

Ervin Santiago - July 19, 2017 - 12:05 AM

MUNTIK na palang hindi ituloy ni PBB Lucky Season 7 Big Winner Maymay Entrata ang kanyang showbiz career paglabas niya ng Bahay ni Kuya.

Ayon sa dalaga, feeling kasi niya ay hindi para sa kanya ang showbiz dahil na rin sa dami ng mga namba-bash sa kanya sa social media at sa mga taong puro kanegahan ang sinasabi tungkol sa kanyang personalidad at itsura.

“Mahirap po pala. Akala ko paglabas ng PBB house, tapos na, winner na ako, uwi na ako. Kaso po ibinigay ni Lord na ipagpatuloy ‘yung pangarap ko dito sa showbiz, may iba pang para sa akin,” ang pahayag ni Maymay sa panayam ng ABS-CBN.

Bukod dito, nabigla rin daw si Maymay sa mga dapat niyang gawin ngayong nasa mundo na siya ng showbiz.

“Kung paano ko ime-maintain, ‘yung ibibigay ko ang lahat sa lahat ng bagay. Nu’ng una na bagong labas ako from Bahay ni Kuya, nasabi ko sa sarili ko, ‘Ano ba ito, kailangan ko mag-workshop, ano ba ito, Lord?’ Akala ko tapos na,” pahayag pa ng Kapamilya youngstar.

Naisip ni Maymay na kailangang harapin niya ang mga challenges sa pagpasok niya sa pag-aartista at pagiging singer para patunayan sa kanyang mga detractors na may puwang din siya sa showbiz.

“Kaya pala nahihirapan ako noong una kasi akala ko tapos na ‘yung pangarap ko, yung mga natutunan ko. Pero dahil blessing itong ibinigay sa akin, hindi pala dapat ako titigil mag-set ng goals ko.

“Kahit na anong gawin ko, mga goals ko mahirap man o hindi, ‘yun ‘yung tumutulong at inspiration para mas maging mahusay ako sa mga ginagawa ko,” chika pa ni Maymay sa nasabing interview.

Walang katapusang pasasalamat naman ang nais ipahatid ni Maymay sa mga fans nila ni Edward Barber, ang kanyang ka-loveteam na produkto rin ng PBB Lucky Season 7.

Grabe raw kasi ang pagsuporta at pagmamahal ng madlang pipol sa kanila ni Edward kaya ibinabalik lang daw nila ng binata ang tiwala at pagmamahal ng mga ito sa kanilang loveteam. At sana raw ay huwag magsawa ang MayWard fans sa pagsuporta sa kanila.

Sa Magandang Buhay naman kahapon, special guest si Maymay kasama ang kaibigan niyang si Elisse Joson na nakasama rin niya sa Bahay ni Kuya. Dito muli siyang nag-thank you sa MayWard fans dahil mula noong nasa loob pa sila ng PBB house hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang pagsubaybay sa kanilang mga proyekto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa pamamagitan naman ng recorded video, nagbigay si Edward ng message kay Maymay. Anito, “Thank you Maymay from the bottom of my heart, honestly na, you keep up with me. Kasi, I’m not the easiest person to be with, I know that, all the time. Thank you for helping me to learn Tagalog. Thanks also for always being my friend.”

Ito naman ang naging sagot ni Maymay kay Edward, “Maraming salamat din sa ‘yo, kasi hindi ka talaga nagbabago. Nandiyan ka pa rin parati para sa akin, tumutulong, you’re so lovable. Salamat talaga, ingat ka lagi.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending