P51.7M jackpot nasungkit sa QC | Bandera

P51.7M jackpot nasungkit sa QC

Leifbilly Begas |July 18,2017
facebook
share this

P51.7M jackpot nasungkit sa QC

Leifbilly Begas - July 18, 2017 - 02:55 PM

    Isang mananaya sa Quezon City ang nanalo ng P51.7 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45.     Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo at tumaya sa Commonwealth Avenue.     Siya ay mayroong isang taon upang kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO. Kailangan naman niyang ingatan ang kanyang tiket upang hindi ito mabasa at mainitan.     Lumabas sa pinakahuling bola ang winning number combination na 06-35-25-16-37-05. Umabot sa P18.9 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola.     Nanalo naman ng tig-P36,510 ang 26 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P630 naman ang napanalunan ng 1,190 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 21,555 na nakatatlong numero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending