Young female star baliw na baliw sa pag-ibig kaya sunud-sunuran sa dyowa

By Cristy Fermin July 18,2017
share this

Young female star baliw na baliw sa pag-ibig kaya sunud-sunuran sa dyowa

By Cristy Fermin July 18,2017
share this


SA pakiramdam ng kanyang mga katrabaho ngayon ay parang sobrang naging moderno na ang isang young female personality. Hindi na raw nakikita ng mga ito ang dating siya.

Kung dati’y hindi raw makabasag-pinggan ang young female star, ngayon ay para na siyang lumaki sa ibang bansa kung pumorma at makapagsalita, ibang-iba na raw siya ngayon.

“Nakapaninibago lang dahil dati, kapag may TVC shoot siya, e, tahimik lang siya, walang kaarte-arte, walang kung anu-anong reklamo.

“Pero ngayon, nakakagulat na ang porma niya, so modern na siya ngayon, at kung makapagsalita siya, e, pa-slang-slang na siya. Kung nakilala mo siya dati na napakasimple, super-magugulat ka ngayon sa porma niya,” pagpapatunay ng isang source.

Napakalaki raw ng impluwensiya sa young female personality ng kanyang karelasyon. Sobrang mahal na mahal daw kasi ng young actress ang kanyang boyfriend kaya kung ano ang gusto nito ang dapat mangyari.

“Siya ang dead na dead sa guy. Obvious naman, di ba? Takot na takot siyang may makakuha ng attention ng boyfriend niya, kaya lahat-lahat ng makapagpapasaya sa guy, ‘yun ang ginagawa niya.

“Wala siyang choice kundi ang gawin ang gusto ng karelasyon niya. Sa sobrang love nga niya sa guy, baka kapag pinatalon siya nu’n sa tulay, e, gagawin niya!” dagdag na kuwento pa ng aming impormante.

Sobrang pagbabago ang nararamdaman ngayon sa young female personality ng kanyang mga kaibigan at katrabaho, hindi na raw ang dating siya na napakasimple lang ang nakikita ng mga ito ngayon, maraming hinayang na hinayang sa kanya.

“Narinig n’yo na ba siyang magsalita lately? Naku, para kayong nakikipag-usap sa isang balikbayan na sa ibang bansa ipinanganak at lumaki. Slang na slang na siya at ang mga ginagamit niyang salita, e, super-modern na!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala nang kailangang clue, bigay na bigay na kung sino ang young female personality na itey!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending