Quantcast

Jolina isinugod sa ospital, matindi ang naramdamang sakit sa likod

JOLINA MAGDANGAL

HUMILING ng dasal ang asawang musikero ni Jolina Magdangal na si Mark Escueta matapos isugod muli ang TV host-actress as ospital kahapon ng umaga.

Ibinalita ni Mark sa Instagram followers ng asawa na bigla na lang daw sumakit ang likuran nito pagkagising kahapon. Ipinost pa ni Mark ang litrato ng kamay ni Jolina na may nakakabit na IV drip.

Aniya sa kanyang IG message, “Hi, si Mark ito. Ako na muna ang nag-post sa IG ni Jolina. Kaninang 6:30am nagising si Jolina dahil masakit daw ang lower back niya, hanggang harapan.”

“Nandito na naman kami sa ER. May additional tests na kailangang gawin. Please pray that it’s nothing serious, at hindi rin complication nung aksidente nung Monday. Maraming salamat,” dagdag pa ni Mark.

Ang tinutukoy na aksidente ng mister ni Jolens ay ang pagbangga sa kanilang SUV ng isang van sa sa tapat ng Philippine Heart Center sa East Avenue, Quezon City.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement