Quantcast

Takot sa babae, makapag-aasawa pa kaya? (2)

By

Sulat mula kay Gaspar ng Acop, Rosales, Pangasinan
Problema:
1. Sa edad ko pong 43 ay binatang-binata pa rin ako at hindi nagka-girlfriend ng seryoso ni minsan. Sa darating na September 16 ay 44 na ako at matagal ko ng dinadasal-dasal na sana ay may matisod akong isang babaing mabait, kahit na hindi masyadong maganda na naghahanap din ng mapapangasawa. Since birth ay hindi talaga ako nagkanobya, dahil mahiyain ako sa babae. Tinutukso nga ako ng mga kaibigan ko na takot daw ako kasi sa babae kaya ako tumandang binata.
2. Kaya gusto ko sanang malaman kung sa edad kong ito at sa kalagayan ko na ito na isang simpleng accountant lang sa isang maliit na opisina, ay kung makapag-aasawa pa kaya ako? At kung makapag-aasawa pa, kailan kaya ito mangyayari at sino kaya ang babaing darating?
Umaasa,
Gaspar ng
Pangasinan
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing isang babaing isinilang sa buwan ng Oktubre o kaya’y may zodiac sign na Libra ang una at huli mong magiging girlfriend hanggang sa tuluyang mapangasawa.
Numerology:
Ang birth date mong 16 ay nagsasabing ang babaing darating na medyo bata sa iyo ang edad ay isang dati o kasalukuyang OFW at maaari ding hiwalay siya sa asawa o hiwalay siya sa dati niyang ka-live-in partner.
Physiognomy:
Sa sandaling dumating ang nasabing babae, lagi kayong gumamit ng kulay na berde, pink at red, upang tuloy-tuloy na lumawig at lalo pang tumibay ang inyog pagmamahalan.
Huling payo at paalala:
Gaspar ayon sa iyong kapalaran kahit na umabot ka pa ng edad na 45, wala kang dapat na ipagalala, dahil siguradong, makapag-aasawa ka at ang babaing sadyang inilaan sa iyo ng kapalaran bago ka pa isinilang upang makasama mo habang buhay ay makikilala mo na sa taon ding ito ng 2017 sa buwan ng Oktubre, na nagtataglay ng initial na L.S, kung saan, siya ay medyo mababa ang height na may pagka-chubby ang pangangatawan. Sa piling ng nabanggit na babae, tiyak ang magaganap, magkakaroon kayo ng isang supling at ang itatayo nyong pamilya, ay magiging maunlad at habang buhay ng magiging maligaya.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement