Bela pangarap makatrabaho si Angel: Ang sarap niyang panoorin!

By Julie Bonifacio July 17,2017
share this

Bela pangarap makatrabaho si Angel: Ang sarap niyang panoorin!

By Julie Bonifacio July 17,2017
share this

NAKIUSAP si Bela Padilla sa mga manunulat na nag-interbyu sa kanya sa presscon for the announcement ng 12 entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines na huwag na siyang tanungin tungkol sa ex-boyfriend niyang si Neil Arce at rumored girlfriend nito na si Angel Locsin.

Tinanong kasi si Bela kung ano ang reaksyon niya sa lumalalim na relasyon nina Neil at Angel, “Uh, good! That’s good for them. I have nothing to say na rin about that kasi parang that’s their own life na. Parang hindi na rin ako dapat hingian ng reaksyon d’yan.

“The last time I talked about that it should been the last time kasi uh, that they have their own.

Kumbaga, meron silang usapan. May sarili silang, ‘yun nga, relationship and I’m not a part of that. And if I can request, parang can this be the last time? If you want to ask them, ask them na lang,” paliwanag ni Bela.

Pero happy naman daw siya for Angel and Neil. In fact, inamin ni Bela na until now may communication pa rin sila ni Neil.

“I do because I’m wor-king with Neil. We have a movie right now that being shot by Direk Joyce (Bernal). I wrote the script and he is producing it. We do have to constantly communicate kasi minsan pupunta kami sa shooting,” aniya.

Hindi nahihirapan si Bela to work again with his ex kasi nga raw, very okey ang kanilang relasyon, “Ako personally, hindi ako nawi-weirduhan sa set-up namin kasi siguro meron kaming foundation ni Neil na kahit nu’ng kami we treated each other as friends. Mabait kami sa isa’t isa.

“Maganda ‘yung tinakbo namin, e. Kaya wala kaming samaan ng loob right after. Parang kaya naming harapin ang isa’t isa na, ‘O, ano’ng gagawin natin sa movie na ‘to? Kailan natin isu-shoot ‘to?’ Saka, ‘yun nga, strictly professional ‘yung relationship namin.”

Open din si Bela sa posibilidad na makatrabaho si Angel, “I would love to work with her. For me, isa siya sa mga masarap panoorin. Kapag umiyak siya, iiyak ka rin. Napakaganda niya. Alam mo ‘yun? I will be honored to work with someone with her caliber. Sana, one day.”

Naka-move on na rin daw siya sa break-up nila ni Neil at ready na rin siya to fall in love again, “Yeah. I think so. Pero hindi ko rin naman siya pinaplano. Parang I’m taking everything one day at a time. Parang I juest want to enjoy life.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending