Jake Zyrus nagdadalawang-isip nang magpa-sex change; delikado at mahal ang operasyon | Bandera

Jake Zyrus nagdadalawang-isip nang magpa-sex change; delikado at mahal ang operasyon

Cristy Fermin |July 17,2017
facebook
share this

Jake Zyrus nagdadalawang-isip nang magpa-sex change; delikado at mahal ang operasyon

Cristy Fermin - July 17, 2017 - 12:10 AM

MUKHANG nagiging bantilawan na ang mga desisyon ngayon ni Charice Pempengco tungkol sa plano niyang pagpapa-gender reassignment. Mula mismo sa kampo ni Jake Zyrus nanggagaling ang mga kuwento ng kanyang pagdadalawang-isip.

Siguro alam na ngayon ni Charice ang mga detalyeng pagdadaanan niya para sa pagpapapalit ng kanyang ari. Bukod sa delikado na ang proseso ay matagal pa ang pagpapagaling.

At ang pinakamalaking aspeto ay ang gagastusin niya sa kabuuan ng gender reassignment process, milyunan pala ang kailangan niyang ihanda, kung bakit naman pumasok sa kanyang utak ang ganu’n sa isang panahong mahina na ang kanyang raket.

Matumal ang kanyang mga shows, may nagplano nga ng isang malakihang concert para sa kanya pero hindi naman ‘yun natuloy, dahil hindi gumalaw ang bentahan ng tickets para sa kanyang pagtatanghal.

Napakahalaga nu’n. Paano niya maisasakatuparan ang kanyang pa-ngarap kung wala naman pala siyang sapat na bala? Maaaring ituloy pa rin daw ni Charice ang gender reassignment pero maghihintay pa siya ng tamang panahon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending