AlDub pinatunayan ang tunay na kabaitan; may library na, may pa-scholar pa | Bandera

AlDub pinatunayan ang tunay na kabaitan; may library na, may pa-scholar pa

Jun Nardo |July 16,2017
facebook
share this

AlDub pinatunayan ang tunay na kabaitan; may library na, may pa-scholar pa

Jun Nardo - July 16, 2017 - 12:05 AM

NAPILI na nga ang unang AlDub scholar na nagngangalang Mercy. Ibig niyang mag-aral ng Criminology dahil gusto niyang bigyan ng hustisya ang namatay na ama.

Sa nakaraang episode ng Eat Bulaga’s Sugod Bahay, idineklara nina Alden Richards at Maine Mendoza na sasagutin nila ang bayarin sa school ni Mercy hanggang sa pagtatapos niya ng college.

Sumabay sa 2nd anniversary ng AlDub loveteam ang pagbibigay nila ng scholar sa deserving students. Bukod sa E-Best scholars ng noontime show, meron na ring AlDub scholar program.

Matatandaang bukod sa scholarship program, patuloy pa rin ang pagpapatayo ng mga AlDub libraries sa iba’t ibang probinsiya sa bansa. But take note, may isang grupo rin ng fans ng phenomenal loveteam na may scholars, huh!

Kahapon ay sinelebreyt ang second year ng AlDub loveteam. Nagpahatid muli ng pagbati ang singer na si Bryan White sa Twitter para sa dalawang Dabarkads, “Happy 2 years ADN!!! So proud to be a part of the family. Thank you for so much support and love! #GGMY #ALDUBersaryin2Days.”

Sa trending topic sa Twitter kahapon, hayun at top spot ang inokupa ng hashtag na#ALDUB2getherForever.

Samantala, nilagyan na ng tuldok ni Dabarkads Patricia Tumulak ang matagal ng tsismis na may relasyon sila ni Alden. Mariing dinenay ng TV host na boyfriend niya ang Pambansang Bae.

Kahapon sa episode ng EB, sinabi ni Patricia sa kanyang mga bashers na, “Hoy, tigilan niyo na ako. Hindi ko siya type. May boyfriend ako!”

Dito nagsigawan ang mga hosts at studio audience sabay sigaw ng, “Boom!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending