Nadine Lustre babaeng may balls; James Reid wala raw kwentang bf? | Bandera

Nadine Lustre babaeng may balls; James Reid wala raw kwentang bf?

Cristy Fermin |July 16,2017
facebook
share this

Nadine Lustre babaeng may balls; James Reid wala raw kwentang bf?

Cristy Fermin - July 16, 2017 - 12:05 AM

PINANINDIGAN ni Nadine Lustre ang kanyang mga pahayag, wala siyang tinalikuran, kakaiba ang young actress sa bungkos ng mga personalidad na mahilig humanap ng palusot kapag nalalagay na sila sa indulto.

‘Yun ang kanyang paniniwala, ipaglalaban niya ‘yun, kung hindi sinasang-ayunan ng iba ang kanyang ideya ay tanggap niya ang katotohanan na hindi naman talaga lahat ay mapapasaya niya.
Babaeng may balls si

Nadine Lustre. Pinatibay na siya ng panahon. Hindi siya ang klase ng babaeng puwedeng basta na lang madiktahan ng kahit sino dahil meron siyang paninindigan.

Napakasuwerte naman sa kanya ni James Reid na mukhang walang pakialam sa kontrobersiyang kinapapalooban ng kanyang girlfriend. Tahimik lang ang lalaki. Parang ipinaubaya na lang nito sa kanyang karelasyon ang lahat-lahat.

Habang pinupupog kasi sa social media si Nadine ay may mga nakakakita naman sa tisoy na binata na pa-chillax-chillax lang sa mga bar. Mamam lang nang mamam, cool na cool lang, samantalang halos iihaw na nang tostado ng mga bashers ang kanyang girlfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending