KissMarc loveteam umaariba bilang MYX VJ: Ang saya lang! | Bandera

KissMarc loveteam umaariba bilang MYX VJ: Ang saya lang!

Ervin Santiago |July 16,2017
facebook
share this

KissMarc loveteam umaariba bilang MYX VJ: Ang saya lang!

Ervin Santiago - July 16, 2017 - 12:01 AM

TAMPOK ang isa sa mga sumisikat na loveteams ngayon, ang KissMarc na kinabibilangan nina Pinoy Big Brother Lucky Season 7 second big placer Kisses Delavin at ng isa pang PBB Lucky Season 7 alumnus na si Marco Gallo, sa numero unong music channel ng bansa bilang MYX Celebrity VJs ngayong Hulyo.

Ayon kay Kisses, matagal na niyang gustong maging VJ dahil napapanood niya lagi ang mga VJs ng MYX sa telebisyon.

“‘Yung isa sa pinakanagustuhan ko ‘yung parang ang cool lang nila, ang saya lang nila. Kaya nung nalaman namin ni Marco na magiging MYX VJ kami, as in super excited kami,” masayang pagbabahagi ng miracle daughter ng Masbate.

Nagsimula ang kanilang guesting noong Hulyo 1 at mula noon ay handa nang hinaharap nina Kisses at Marco ang hosting challenges na ibinibigay sa kanila sa iba’t ibang programa ng MYX.

Maraming KissMarc fans ang natutuwa sa pinakabagong television project ng dalawa.

Ayon kay Monette (@Monettezkie31) sa kanyang Twitter post, adorable o kaibig-ibig panoorin ang KissMarc sa telebisyon.

Kwento naman ni Kissable IQ (@Kisses_IQ), hinihintay nya ang kanyang daily dose of happiness sa MYX Philippines. Hindi rin daw siya magsasawang panoorin ang KissMarc.

Nagbigay papuri naman si CJ (@caedeminthecity) sa kanyang paboritong si Kisses. “Ang galing mo na mag-VJ @delavinkisses. So proud of you.”

Patuloy na tutukan ang KissMarc sa Pinoy MYX hanggang sa katapusan ng Hulyo. Para sa karagdagang update tungkol sa MYX schedule, mag log on sa www.myxph.com, at i-follow ang MYX sa Instagram (@myxph) at Twitter (@myxphilippines).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending