Horoscope, July 16, 2017 | Bandera

Horoscope, July 16, 2017

Madam Sophia |July 16,2017
facebook
share this

Horoscope, July 16, 2017

Madam Sophia - July 16, 2017 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kailangan mo ng lakas ng loob upang ikaw ay magtagumpay. Laging makisama sa mga taong may birth date na 1, 10, 19, 28, 8, 17, 26, 9, 18 at 27. Sa pakikisalamuha sa kanila kusang mapapasaiyo ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 1, 8, 27, 34, 35 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Om.” Black at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Hindi dapat madaliin ang pagyaman. Sa painot-inot na pagsisinop uunlad din ang kabuhayan. Sa pag-ibig, pagpasensiyahan ang kasuyo, wala lang siya sa kundisyon ngayon kaya siya nagkaka-ganyan. Mapalad ang 3, 17, 27, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Pink at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Maraming bayarin na naman ang kakaharapin, iwasan na kasing mangutang. Sa pag-ibig nagtatampo ang kasuyo, kulang ka na naman kasi sa romansa. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Verchiel-Hamaliel-Om.” Red at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Kahit na gaano ka-hectic ang iskedyul unahin ang mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, upang wag manlamig ang kasuyo lagi kang mag-text sa kanya ng: “I love you, I miss you at Ingat.” Mahiwaga mong mantra: “Aum-Orobas-Orabias-Om.” Gray at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Sa pananalapi, maging clear thinking sa mga ka-transaksyon upang mas marami kang maisarang kontrata. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo ang tunay na nadarama, upang hindi na siya manghula kung bakit ka tinotopak. Mapalad ang 2, 19, 26, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Lilac at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Umoo ka lang ng umuoo sa iyong kausap at wag kokontra, sa ganyang paraan mas madaling papabor sa iyo ang magandang kapalaran. Sa pag-ibig, okey lang na ang kasuyo ang magtrabaho upang hindi ka masyadong mapagod. Mapalad ang 4, 16, 22, 25, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Advachiel-Hanael-Om.” Yellow at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa pag-ibig, tama ang iyong ginawa, panatiliing second priority lang ang kasuyo at sabihin sa sariling “Ang priority ko talaga ay palaguin pang lalo ang porpolio ng aking kayamanan.” Mapalad ang 5, 9, 19, 29 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” Blue at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa pananalapi, mag-isip ng pagkakakitaan na magiging malusog ang iyong katawan at isipan. Sa pag-ibig, isama ang kasuyo sa isang bahay dalanginan. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 43 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Umati-Chal-Umati-Om.” Crystal green at blue.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Magkunwaring laging walang pera
upang hindi ka mautangan. Sa pag-ibig, wag mahirating ikaw lagi ang taya, sa susunod nyong pagde-date, siya naman ang pagastusin mo. Mapalad ang 9, 18, 26, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Daig ng mautak, ang masipag!” Maroon at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Maging maingat sa pakikipag-relasyon, may kakatok na ka-immoralan. Sa pananalapi, wag magpa-bola sa matatamis na dila ng mga nagre-recruit sa negosyong pyramiding. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Red at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi dapat umasa sa mga pangako at wag ding asahan ang salapi na hindi mo pa hawak. Sa pag-ibig, maging masaya na kasalukuyang sitwasyon. Mapalad ang 6, 15, 23, 26, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Zepar-Malapahr-Hagar.” Violet at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Ipriority ang mga taong nagmamahal sa iyo. Darating ang araw ang mga taong pinahalagahan mo ang siya ring tutulong sa iyo. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Valefor-Vassago-Vepar”. Red at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Panatiliin ang pagpapakumbaba upang lalong tumaas ang kinikita. Sa pag-ibig, pakiligin ang minamahal, sabihin sa kanyang: “Mahal, ang lahat ng ginagawa kong ito ay para sa iyo!” Mapalad ang 1, 17, 22, 34, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jehova-Hella-Cytheria-Om.” Orange at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending