Horoscope, July 15, 2017 | Bandera

Horoscope, July 15, 2017

Madam Sophia |July 15,2017
facebook
share this

Horoscope, July 15, 2017

Madam Sophia - July 15, 2017 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Malaking halaga ng salapi ang darating basta’t lagi ka lang mag suot ng kulay na pula at berde. Sa pag-ibig, basta’t patuloy kang nagmamahal hindi matatapos ang buwang ito ng Hulyo aayon din sa iyo ang magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 12, 21, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Sandapha-Om.”
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pag-ibig, tuloy ang masayang pakikipag-relasyon sa isang nilalang na isinilang sa buwan ng Disyembre. Sa pinansyal isang Leo ang makatutulong sa iyo upang makaraos sa mga problemang may kaugnayan sa pera. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om.” Bukod sa red ang purple ay buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Wag mahihiyang sabihan ang kasuyo na “magtipid ka naman!” Para din yan sa ikauunlad ng kabuhayan ng inyong pamilya. Hindi mo ba napapansin kapag maraming pera mas masarap ang nagiging resulta ng romansa. Mapalad ang 6, 8, 21, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Nasa malayong lugar ang ikauunlad ng inyong kabuhayan. Sa pag-ibig, masarap at sopresang romansa ang hatid ng isang Libra. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Adonai-Adonai-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi dapat tumunganga, panahon na upang magpakasipag. Panahon na upang magpayaman! Sa pag-ibig isang Capricorn ang magbibigay sa iyo ng isang masagana at magandang future. Mapalad ang 1, 13, 25, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Jhana-Om.” White at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Panatiliin ang pagpapakumbaba, upang makaiwas sa intriga. Sa pag-ibig, isang kaibigan na naman ang lihim na maiingit sa iyong kagandahan. Wag mo siyang intindihin, guguluhin lang niya ang nanahimik mong buhay. Mapalad ang 1, 13, 21, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit-Dosya-Om-” Gold at maroon ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Yayain ang kasuyo sa isang tahimik na lugar at doon ninyo pagusapan ang inyong problema. Sa nasabing lugar may magandang solusyon maiisip upang lalo pang mapaunlad ang kabuhayan at lalo pang uminit ang pagmamahalan. Mapalad ang 7, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Krisna-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa ngayon palang iplano na ang pagbabakasyon sa ibat-ibang lugar sa darating na summer 2018. Ibig sabihin ngayon palang unti-unti ka ng mag-savings upang masigurado ang isang masarap na bakasyon sa next summer. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 39, at 42. Mahiwagang mong mantra: “Vendurya-Tagata-Om.” Green at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Walang mangyayari sa iyong buhay kung mananatili kang nag-iisa. Kasosyong may zodiac sign na Capricorn ang kailangan. Sa pag-ibig mas okey na ka-partner ang isang Cancer. Mapalad ang 7, 20, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Green at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag umasa sa biglang suwerte, umpisahan mo ng magsikap ngayon upang matupad ang pangarap mong yumaman. Sa pag-ibig, kung isang taong isinilang sa petsang 5, 14, at 23 ang iyong mapapanagsawa, mas madali kang uunlad at yayaman. Mapalad ang 1, 10, 17, 28, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Gayatri-Om.” Red at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Kung sadyang sa iyo nakalaan ang magandang kapalaran, mapupunta sa iyo yan ng kusa at walang harap-hirap! Hayaan mong mangyari ang mga dapat maganap. Makikita mo sa bandang huli, puro suwerte at magandang kapalaran din ang malalasap. Mapalad ang 4, 13, 28, 34, 38, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Yellow at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Libra. Sa negosyo, wag na uling lokohin ang mga kausap baka makahalata na sila. Mapalad ang 5, 13, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Orange at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Walang maibibigay na pag-unlad ang araw ng bukas! Ngayon ang pinaka-tamang panahon upang kumilos. Sa negosyo, bagong kalakal ang dapat na may kaugnayan sa pagkain at lamang-dagat. Sa pag-ibig, wag hayaang makapanghina ng iyong loob ang pesimistang kasuyo na wala ng ginawa kundi ang mamintas. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Gray at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending