Kasal na lang ang kulang | Bandera

Kasal na lang ang kulang

Joseph Greenfield |July 15,2017
facebook
share this

Kasal na lang ang kulang

Joseph Greenfield - July 15, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Carla ng Talipapa, Novaliches, Quezon City
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend po ako sa ngayon at kasamahan ko siya sa trabaho, kaya naman halos araw-araw ay magkasama kami. Araw-araw ay inihahatid at sinusundo, bago kami umuwi sa bahay namin, dumadaan muna kami sa kanila. Kaya kilalang-kilala na ako ng mga magulang nya at mga kapatid at parang mag-asawa na ang turingan namin sa isat-isa, dahil halos araw-araw ay ginagawa namin ang ginagawa ng mag-asawa, bale kasal na lang ang kulang. Lagi ko sa kanyang tinatanong kung kailan nya ko pakakasalan, pero wala pa daw siyang plano. Nais ko sanang malaman kung siya na kaya ang makakasama ko habang buhay o mapapangasawa? At isa pa sa edad kong 31 parang tumatanda na ako kaya gusto ko ng mag-asawa, kung siya na ang mapapangasawa kailan kaya kami makakasal at magiging pang habang buhay na kaya ang itatayo naming pamilya? December 13, 1985 ang birthday ko at August 7, 1982 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Carla ng Quezon City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kung tutuusing mabuti wala ka namang problema sapagkat kapansin-pansing iisa lang ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa malapit na hinaharap wag ka lang maiinip, mag-aaya din ng kasal ang kasalukuyan mong boyfriend.
Cartomancy:
Six of Hearts, Three of Hearts at Jack of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing mahal na mahal ka ng boyfriend mo kung saan, sa taong 2019, malamang tuluyan ng maganap ang pinapangarap mong kasal.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending