Nakikipagbalikan ang dating ka-live ni mister (2) | Bandera

Nakikipagbalikan ang dating ka-live ni mister (2)

Joseph Greenfield |July 14,2017
facebook
share this

Nakikipagbalikan ang dating ka-live ni mister (2)

Joseph Greenfield - July 14, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Carmela ng Savana, Bucana, Davao City
Problema:
May dating ka-live-in partner ang mister ko at muli itong nagpakita at nakikipagbalikan sa kanya, pero ayaw ng mister ko dito sa babaeng ito. Sabi ng mister ko ay hindi raw sila kasal ng babaeng ito kaya nang magkahiwalay sila at niligawan niya ako. Nang sinagot ko naman siya ay pinakasalan niya ako kaya kami nga ang naging legal na mag-asawa. Ang problema ay walang ano-ano ay biglang ngang lumutang ang ex ng mister ko. Nakipagkita ito sa kanya at noon ko lang nalaman na may anak pala sila. Nagkausap kami ng dating ka-live-in ng mister ko at ang sabi niya sa akin, kahit daw ano ang mangyari ay babawiin niya sa akin ang mister ko. Ang tanong ko ngayon ay kung may habol ba sa mister ko ang dating ka live in partner niya gayong hindi naman sila kasal? Gusto ko ring tingnan mo ang aking kapalaran kung compatible ba kami ng mister ko na isinilang noong December 2, 1980. April 16, 1984 naman ang birthday ko. Kami na ba ang pang habambuhay na mag-sasama?
Umaasa,
Carmela ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) at Sagittarius naman ang mister mo ang nagsasabing compatible kayo dahil ang Aries at Sagittarius ay kapwa nagtataglay ng elementong fire o apoy. Ibig sabihin, anuman ang mangyari, kayo na nga ang itinakda ng kapalaran upang magsama habang buhay.
Numerology:
Dagdag dito, hindi lang kayo sa Astrology o zodiac sign magkatugma, compatible rin ang birth date mong 16 sa birth date na 2 ng mister mo. Ibig sabihin, anuman ang dumating na pagsubok sa inyong relasyon, mananatili kayong matatag at nagmamahalan.
Graphology:
Ang lagda mong hindi naman magulo sa halip suwabeng-suwabe ang pagkakasulat ang nagsasabing paglipas ng buwan ng Hulyo, Agosto at Setyembre, sa buwan ng Oktubre, kusang mawawala ang nanggugulong dating ka-live in ng iyong mister.
Huling payo at paalala:
Carmela, tunay nga na kung nangako naman sa iyo ang mister mo na hindi ka niya iiwan at hindi ka niya ipagpapalit sa iba, wala ngang problema, dahil sa totoo naman ayon sa iyong kapalaran ito naman talaga ang mangyayari. Kaya nga hindi ka na dapat pang matakot o mangamba dahil ang tadhana ang nagtakda na ang inyong pagsasama ay mananatailing maligaya at magiging pang habambuhay na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending