Bata ang girlfriend | Bandera

Bata ang girlfriend

Beth Viaje |July 14,2017
facebook
share this

Bata ang girlfriend

Beth Viaje - July 14, 2017 - 12:10 AM

HELLO, Ateng Beth.

I am JM, 20 years old, taga Imus, Cavite.
Ate Beth, hingi po ako ng payo sa inyo. Meron po akong girlfriend, 14 years old lang po siya, nasa grade 8.

Nalaman po ngayon ng magulang niya yung relasyon namin, pilit po kaming pinaghihiwalay.  Sabi ko po sa mother niya, hihintayin ko po yung GF ko na makapagtapos ng high school.

Pero ngayon po ay hindi na pumapasok sa eskwela ang GF ko para hindi na niya ako makita, para tuluyang mailayo sa akin.  Iniisip ko na lang po na itanan na lang ang anak nila at ako na ang magpapaaral sa kanya tutal may trabaho naman po ako.

Tama po kaya ang gagawin ko? Sana po matulungan ninyo ako.  Salamat po ng marami ateng Beth.

JM

Dear JM,

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa.  Mali, as in mali ang gagawin mo.

Una, 20-anyos ka pa lang, at si girlfriend naman ay 14. Six years mula ngayon ok na. Hopefully by that time, may maliit na bahay ka na, second hand na kotse, may ilang libong pisong ipon sa bangko at  above minimum na sweldo.

Higit sa lahat, hopefully mas alam mo na ang gagawin mo. The fact na nagtatanong ka pa ng gagawin mo, at kung tama ba ito o mali, ibig sabihin ay hindi ka pa  matured para mag iisip ng tama at gumawa ng responsableng desisyon.

May trabaho ka lang iho, wala ka pa yatang ipon, wala ka pa rin yatang naipupundar, wala kang matinong pag iisip.

Hihilahin mo lang pababa ang bata na sinasabi mong GF mo imbes na hayaan siyang magkaroon ng magandang kinabukasan at sariling trabaho!

Ni hindi mo nga mapangatawanan sa nanay niya na hihintayin mo syang magtapos ng high school – paano mo paniniwalain ang sarili mo na kaya mong pag-aralin ang bata?

Nanotice mo BATA ang tawag ko, hindi GF mo? Kasi bata pa siya, wala pa sa tamang pagdedesisyon, at sinisira mo ang buhay niya.

Pwede bang ayusin mo muna ang buhay mo? Nagkatrabaho ka lang akala mo kaya mo ng arkilahin ang buwan!

Nainlab ka lang akala mo iyon na ang buhay! Kuya, gising! Bayad muna ng bills! Magpakatalino ka muna. Magpaka-ispiritwal ka muna. Magpakabait ka muna. Pag nagawa mo na yan, sulat ka ulet sa kin, usap ulet tayo! (Kala mo pwede na ha!)

Isa pa, baka makasuhan ka pa niyan kapag ipinilit mo ang pakikipagrelasyon sa bata!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ateng Beth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending