Gusto ko, 5ML | Bandera

Gusto ko, 5ML

Lito Bautista |July 14,2017
facebook
share this

Gusto ko, 5ML

Lito Bautista - July 14, 2017 - 12:10 AM

SA pagsasabi ng totoo, nagiging tahimik. Natatatakot. Napipi. Nauutal hanggang sa unti-unti’y napipilitang magsalita. Maging matapang sa katotohanan sa gitna ng maling nangyayari sa paligid. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Gen 32:23-33; Slm 17:1b, 2-3, 6-7ab, 8b, 13; Mt 9:32-38) sa ika-14 na linggo ng karaniwang panahon.

Sa nakalipas na dalawang linggo, bakit binabatikos na ang kanilang kaanib sa paniniwala na mali ang isinulong na karahasan at walang pakundangang pagpatay sa mga walang kinalaman? Bakit ngayon lang ang kamulutan, gayung sa buong mundo ay natatalo na ang IS? Napipilitan na ba silang magsalita dahil walang kakampi ang Maute, na sinuportahan ng mga residente’t LGU officials sa pagpasok ng marami armas at bala sa Marawi?

Mas gusto ko ang limang taon martial law (5ML) sa Mindanao lang, ang pinakamagulo at pinakamabangis na isla. Dapat malipul ng 5ML ang Abu Sayyaf, Lost Command ng MILF at MNLF, Pentagon, BIFF, malalaki’t maliliit na private armies, NPA, atbp. Kung malilipul o mabibilanggo ang magugulo, tatahimik, kahit saglit, ang Mindanao.

Dapat ding masamsam ng 5ML ang lahat na ilegal na armas, improvised explosives, land mines, RPGs, sniper rifles (meron daw gawaan nito sa mismong Marawi at Cotabato City), gabundok na mga bala, dakpin ang bomb makers, salain at “linisin” ang laman ng internet, disarmahan ang mga Moro at payagan silang mag-armas sa bisa ng lisensiya ng PNP-FEO. Imposible? Posible.

Papasok ang malalaking negosyante kung lalansagin din ang mga komunista’t NPA. Alam nina Digong, Bebot at lahat ng Mindanaoan kung saan kumikilos ang NPA at kung sinu-sino ang nagkakanlong sa mga extortionists. Kung kontra ang taumbayan, simbahang Katolika at mga politiko, di makapapamayan ang NPA.

Kanya-kanyang pananaw kung bakit dapat tahimik na ang Mindanao gayung si Duterte na ang pangulo at santambak na Mindanaoan ang nasa Gabinete’t Kongreso, bukod sa matataas na tanggapan ng gobyerno. Para sa akin simple lang. Nais kong bumalik sa talon ng Bulingan sa Lamitan City, Basilan. Napakagandang tubig ng talon para magtampisaw ang aking mga apo.

Hindi mahirap ibangon ang Marawi. Bukod sa malaking pera na manggagaling sa ating mga Kristiyano, nariyan ang zakat almal, ang tungkulin ng mga Muslim na tulungan ang kapwa nila nangangailangan. Ang zakat almal ay isa sa limang haligi ng Islam. Sa ilalim ng sadaqah at ugnayang Ummah Islamiyyah, matitipon ang pondo mula sa Arab League, Organization of Islamic Cooperation at Muslim World League.

Dapat ipadala ang bugok na mga pulis sa Mindanao, kontra sa pananaw ng ilan na basurahan na lang ang kanilang rehiyon. Ilang scalawag na pulis at sundalong PC ang itinapon sa Sulu’t Basilan noong 1976. May nag-AWOL. May umiyak pero tumalima naman. Nang magbalik, matino na; dalawa, na-war shock.

Yung dalawang bugok na pulis-Mandaluyong (ang lungsod ng mga Abalos ay pinakabugok sa mata ng riders. Dito bawal mag-angkas ang riders ng ibang tao, maliban sa kanilang asawa), ay walang kakayahan para mahawa ng kabulukan nila ang pulisya ng Marawi City. Bagkus, ang dalawang bugok ay matututo sa pagiging alerto, at di tututug-tulog, ng pulis-Marawi.

PANALANGIN: Lukuban Niya sa lilim ng kanyang malabay na pakpak, sa kalinga Niya ay natitiyak na ikaw ay ligtas. Salmo 91.

MULA sa bayan (0916-5401958; [email protected]):
Ang unang pag-aalsa ng Marawi ay (noong Marcos) martial law. Senior (citizen) na ako. Bakit Moro vs Moro na? Mabuti pa noon. Moro vs FM. Tunay na Moro vs corruption. Kadir, Barangay Basak Malutlut, Marawi …9983

Kinukumbida ng buong Barangay Lanipao, Iligan City ang mga kritiko ng martial law ni Duterte. Gusto namin ang martial law. Bakit ayaw ninyo, gayung malayo naman kayo sa bakbakan? …5221

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sardinas at noodles ang relief. Wala bang hot dog? Vic, Barangay 12 (Pob), Ormoc City …5641

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending