Quantcast

Benepisyo ng senior citizen

By

MAGANDANG araw po sa aksyon line at sa bumubuo ng inyong pahayagan. Ang nanay ko po ay na diagnosed na colon cancer at kailangan nya po na mag undergo ng chemo hindi naman po siya miyembro ng philhealth o nakabayad sa philhealth. Pero isa na po siyang senior citizen nasa 67 yrs old na po ang mother ko. Ask ko lang pi kung pwede ba siyang maka avail ng  benefits o discount at ano po ang dapat naming gawin. Sana ay matulungan kami ng philhealth

Esmerald Rodriguez
Wagas St., Tondo Manila

Gng. Rodriguez:

Pagbati mula sa PhilHealth!

Nais po naming ipabatid na maaari pong magpa-rehistro ang isang senior citizen sa ilalim ng RA10645 o ang “Mandatory PhilHealth Coverage for all Senior Citizens” sa Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) ng municipalidad ng inyong lugar. Dalhin lamang po ang mga sumusunod na dokumento:
Maaayos na pinunang PhilHealth Member Registration Form (PMRF), pakitingin ang naka-attach na file;

Senior Citizen’s ID card na nanggaling sa OSCA o anumang dokumento na magpapatunay sa kanyang pagkakakilanlan at kanyang edad tulad ng Birth Certificate o passport.
Amin din pong ipinapaalam sa inyo na wala po kinakailangang bayaran na kontribusyon sa PhilHealth ang isang Senior Citizen, sa oras po na magkaroon ng ng PhilHealth Number ang inyong nanay ito po ay maaari ng gamitin sa kanyang pagpapagamot.

Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong mag e-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong (02) 441-7442.
Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website sawww.philhealth.gov.ph

Maraming salamat po!

Warm regards,
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook:  www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?   Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa  jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement