Aldub nagsimula nang mag-training para sa bagong pelikula; kinakarir ang boksing | Bandera

Aldub nagsimula nang mag-training para sa bagong pelikula; kinakarir ang boksing

Jun Nardo |July 14,2017
facebook
share this

Aldub nagsimula nang mag-training para sa bagong pelikula; kinakarir ang boksing

Jun Nardo - July 14, 2017 - 12:45 AM

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

TODO-ENSAYO na sina Alden Richards at Maine Mendoza ng Muay Thai at boxing bilang preparasyon sa gagawin nilang bagong movie.

‘Yun lang ang detalyeng sinabi ni Meng sa isang panayam ng GMA.

Kinumpirma rin ng Phenomenal Star na babalik na rin siya sa Twitter matapos na sumama ang kanyang loob sa mga nega at trolls! Kaya naman nagbigay siya ng payo sa internet trolls at bashers na nagkakalat ng negativity sa social media.

Ayon kay Maine, nasanay na siyang nagtsi-check ng Twitter tuwing umaga at bago matulog.

“Minsan sobrang dami talaga ng negativity doon so parang nag-quit lang pero hindi naman permanently. Yes, babalik din siyempre.

“Maging productive kesa manira ng kapwa,” rason ni Meng.

Anyway, bukas, Sabado,  ang second anniversary celebration ng AlDub loveteam sa Eat Bulaga kaya ang ADN ay kapit-bisig at sanib-puwersa upang magkaroon ng Twitter party para ibalik ang siglang sinimulan nilan bilang pagmamahal sa kanilang mga idolo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending