Bato sa sariling bakuran di 'naamoy' ni Cong | Bandera

Bato sa sariling bakuran di ‘naamoy’ ni Cong

Leifbilly Begas |July 12,2017
facebook
share this

Bato sa sariling bakuran di ‘naamoy’ ni Cong

Leifbilly Begas - July 12, 2017 - 12:10 AM

NATATARANTA na ang isang kongresista from Metro Manila.

Naghain ng resolusyon itong si Cong para paimbestigahan sa Kamara de Representantes kung paano nakapasok sa bansa ang daan-daang kilo shabu ilang buwan na ang nakakaraan.

Kaya pala, ayon sa isang nagkuwento, natatakot pala itong si Cong na madawit ang kanyang pangalan sa mga nakuhang shabu dahil sa kanyang bakuran ito nakumpiska.

Nais niyang imbestigahan kung paano ito nakalabas ng Bureau of Customs.

Natatakot yata siya na matanong kung bakit hindi niya naamoy na sa kanyang lugar itatago. Bakit nga ba hindi ito naamoy ni Cong? O ng kanyang mga kapatid na mga pulitiko rin.

Si Cong ay may kinakaharap na kasong katiwalian kaya nagpapaalam sa korte para makasama sa biyahe ni Pangulong Duterte.

***

 

Nagbago ang isip ng Department of Justice sa kaso ni 1-Pacman Rep. Michael Romero at dalawa niyang kapwa akusado kaugnay ng usapin sa pera ng Harbour Centre Port Terminal Inc.

Binaliktad ng DoJ ang desisyon nito noong 2016 na nagbabasura sa kaso. Sabi ng resolusyon na pinirmahan ni Usec. Deo Marco mayroong probable cause sa reklamong qualified theft na isinampa laban kina Romero, Edwin Jeremillo at Felicia Aquino noong 2007.

Ang kaso ay kaugnay sa P3.4 milyong pera ng HCPTI na kinuha umano ng tatlo. Hinati-hati umano ang pera sa 18 tseke upang hindi ito umabot sa P500,000 para hindi na kailangan ng pirma ng chairman.

Bagamat wala umanong direktang katibayan na nagsabwatan sila, ang kanilang mga ginawa ay magkakaugnay upang magawa ang krimen.

Ang tseke ay nakapangalan sa National Food Authority and/or Felicia Aquino.

Hiniling ni Jerome Canlas sa DOJ na muling tingnan ang ibinasurang kaso. Si Canlas ay bata ng ama ni Romero na si construction magnate Reghis Romero II.

Nagpalabas na ng warrant of arrest laban sa mga akusado ang korte. Walang piyansa na inirekomenda kaya nagtatago ang tatlo.

 

***

Habang isinusulong sa Kamara de Representantes ang pagbabawas ng personal income tax at pagtataas ng ibang buwis para mabawi ang mawawalang kita ng gobyerno pumapasok naman umano ang Bureau of Internal Revenue sa mga kasunduan sa mga kompanya na inakusahan na hindi nagbayad ng tamang buwis.
Pinaiimbestigahan ng mga kongresista, na pinangunahan ni Speaker Pantaleon Alvarez, kung totoo ang alegasyon na si Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay at mga kasama nito sa BIR ay pumasok sa kasunduan sa Del Monte Philippines.

Pinagbayad lang daw ang Del Monte ng P65.4 milyon na malayo sa bilyong buwis na dapat nito bayaran mula 2011 hanggang 2013.

May nakasampang reklamo sa Ombudsman kaugnay nito. Itinanggi naman ng Del Monte ang alegasyon.
Kung totoo ang alegasyon ay kawawa naman ang taumbayan. Maliit na ang kita kinakaltas na ang buwis bago pa man makuha ang suweldo tapos ang BIR makikipag-areglo lang sa mga kompanyang tumitiba ng pera.

Buti sana kung mas malaki ang ibabayad ng mga ito sa sinisingil ng gobyerno sa kanila, okay lang na pumasok sa kasunduan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makukuha agad ng gobyerno ang pera at hindi na daraan sa mahaba at matagal na proseso ng korte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending