Angelica umariba ang kapilyahan sa Sweden, may nabiktimang foreigner
UMARYA ang kapilyahan ni Angelica Panganiban habang siya ay nasa Sweden.
Sa Instagram post niya, may kasama siyang foreigner na nilagyan niya ng caption na, “Travelled to Sweden with my honey boo #PhotoBomberLangLang TalagaSiya #BaliwDinSiKuyaEh.”
Loveless ngayon si Angelica kaya naman ang followers niya, todo ang pagkagusto sa lalaki. Sana raw totoong sila na ng nasabing photobomber guy.
May nagsabing bagay sila dalawa. Guwapo, matangkad at cute naman ang guy. Baka ito na nga raw ang destiny ni Angelica. May nagsasabi na mas bagay ang aktres sa mga foreigner kesa sa mga Pinoy.
Nasa Sweden si Angelica para sa isang show.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.