Sure na kaya...Kris mapapanood na uli sa tv | Bandera

Sure na kaya…Kris mapapanood na uli sa tv

Cristy Fermin |July 09,2017
facebook
share this

Sure na kaya…Kris mapapanood na uli sa tv

Cristy Fermin - July 09, 2017 - 12:01 AM

MABUTI naman at marunong nang magrenda ng kanyang dila si Kris Aquino. Paminsan-minsan ay kumakawala pa rin ang kanyang kataklesahan, lumulutang pa rin ang kanyang kanaturalan, pero hanggang maaari ay siya na mismo ang rumerenda sa kanyang pagsasalita.

Ang kuwento ni Kris ay malapit na siyang magbalik sa mainstream television, ayaw lang daw niyang sabihin kung saang network, dahil baka kapag hindi na naman natuloy ang transaksiyon ay baka mapahiya lang siya.

Nu’n pa dapat ginawa ni Kris ang ganyan. Dapat ay nu’n pa niya naisip na mahirap magpakawala ng mga detalye lalo na kung wala pa namang kasiguruhan dahil ang siguradong magiging resulta nu’n ay ang pagkapahiya.

Mas maganda kapag nand’yan na ang proyekto, ang network at ang lahat ng mga detalyeng kailangan, magsalita man siya nang magsalita ay hindi na siya mapapahiya.

Marami nang nakaka-miss kay Kris. Tanggapin natin ang katotohanan na wala na siyang kailangang patunayan, nagkataon lang na hindi niya naging kakampi ang kapalaran nitong dalawang nakaraang taon.

Hindi aamagin ang talento na tulad ng kay Kris Aquino, hawak na niya ‘yun magpakailanman at wala nang makaaagaw, kaya kapag umayos na ang hilera ng kanyang mga bituin ay siguradong panalo ang kanyang pagbabalik.

Ang tanong na lang ay kung kailan ba ‘yun at kung saang network? Kinukuha ba siya ng GMA 7 o sa ABS-CBN pa rin siya mapapanood?

Abangan!!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending