Magulang ni Sofia botong-boto kay Diego, pero... | Bandera

Magulang ni Sofia botong-boto kay Diego, pero…

|July 07,2017
facebook
share this

Magulang ni Sofia botong-boto kay Diego, pero…

- July 07, 2017 - 12:10 AM

DIEGO LOYZAGA AT SOFIA ANDRES

MUKHANG bawal pa talagang mag-boyfriend ang Kapamilya young actress na si Sofia Andres. Hindi pa rin kasi niya masagot nang diretso kung ano na ba ang label ng relasyon nila ng kanyang ka-loveteam na si Diego Loyzaga.

Tinanong ang dalaga sa morning show na Magandang Buhay kung boto ba ang kanyang magulang kay Diego para maging boyfriend niya, tugon ni Sofia, “Kapag naman po sa deeper than that nagga-guide lang po sila. Pero hindi pa rin po sila pumapayag na 100%, kumbaga i-build muna ang friendship.”

Ayon naman kay Diego sa panayam ng Tonight With Boy Abunda kamakalawa, mas gumanda pa ang relasyon nila ngayon ni Sofia pero hindi nito sinagot kung magdyowa na sila. Pero para sa kanilang mga fans, ayaw lang umamin ng dalawa para nga naman may “mystery” pa rin ang kanilang loveteam.

In fairness, unti-unti nang umaariba ang SofiEgo tandem patunay na tanggap na sila ng madlang pipol. Puro papuri nga ang nababasa namin tungkol sa kanilang loveteam sa afternoon serye ng ABS-CBN na Pusong Ligaw.

Bukod sa tagumpay ng kanilang serye, nangangamoy blockbuster din ang pelikula nilang “Bloody Crayons” kasama sina Janella Salvador, Elmo Magalona, Ronnie Alonte, Maris Racal at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending