Maine kinakarir ang laman ng unang libro | Bandera

Maine kinakarir ang laman ng unang libro

Jun Nardo |July 06,2017
facebook
share this

Maine kinakarir ang laman ng unang libro

Jun Nardo - July 06, 2017 - 12:01 AM

 

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

NAGPAHATID din ng anniversary message ang mag-asawang Bryan White kay Maine Mendoza via his Twitter account. “Friend” ang tawag ng singer ng “God Gave Me You” kay Meng.

Inalala naman ng asawa ni White ang naging guesting ng asawa sa Eat Bulaga. Unforgettable daw sa asawa niya ‘yung appearance niya sa noontime show.

Ang latest na bumati kay Meng ay ang Asian TV Awards na ipinost ng fans niya sa Instagram kahapon. “Thank you for all the joy you’ve given us! #ALDUB2ndMainversary.”

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Meng sa AlDub Nation, “Sila yung pinakaimportante. Yung mga taong sumuporta at nagmahal sa akin.

“Sana ipagpatuloy lang nila ang pagsuporta sa akin at sana lagi lang silang nandiyan. Hindi akong magsasawang magpasaya para sa kanila. Sa loob ng dalawang taon, gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta at nagmahal sa akin. Maraming salamat sa inyo.

“Kasi, ang daming ibang tao na mas may talento at nararapat sa lugar na ‘to pero ako pa talaga yung napili,” mensahe ni Meng.

Sa pahayag ng Phenomenal Star sa kanyang second year sa showbiz, inihahanda na niya ang book niyang hindi pa niya natatapos. Blogger din naman kasi siya kaya dadagdagan na lang niya ‘yung mga nauna niyang naisulat.

Sa loob ng dalawang taon, nakadalawang movie na siya. Nagkaroon na ng primetime series at number one pa rin bilang product endorser.

Just recently, nag-renew siya ng kontrata bilang endorser ng CDO Funtastyk Young Tocino.

Hanggang ngayon, hindi pa siya makapaniwala kung bakit mahal siya ng tao at pinagkakatiwalaan bilang endorser. “Honestly, hindi ko po alam. Parang isang question ‘yun na hindi kop o masasagot,” rason ni Maine.

Dahil sa partnership niya sa CDO Funtastyk Young Tocino, nananatili itong top-selling at most loved tocino sa bansa ngayon.

“Nakakatuwa po kasi patuloy pa rin silang nagtitiwala sa akin. Parang siya ang mga unang endorsement ko at nagtiwala sa akin.

“Sobrang happy po ako at part ako ng top-selling pork tocino today,” dagdag pa ng Phenomenal Star.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, after ng selebrasyon ni Maine ng second anniversary sa showbiz, ang ina naman niya ang dinumog ng pagbati kaugnay ng kaarawan ni Nanay Dub.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending