Babala kay Erich: Wag na wag magpabiktima kay billboard guy | Bandera

Babala kay Erich: Wag na wag magpabiktima kay billboard guy

Ambet Nabus |July 05,2017
facebook
share this

Babala kay Erich: Wag na wag magpabiktima kay billboard guy

Ambet Nabus - July 05, 2017 - 12:10 AM

ERICH GONZALES

MUKHANG hindi naman gimik ang ginawang pagyayaya ng isang young CEO kay Erich Gonzales para sa isang coffee date sa pamamagitan ng billboard.

At dahil mukhang first nga sa history ng panliligaw sa Pililinas ang ginawa ni Xian Gaza kay Erich, marami ang kinilig at naghihintay sa susunod na episode ng kuwento na para ring teleserye.

Marami ang nagsasabing napakahaba ng hair ni Erich lalo pa’t mukhang “makata” rin itong si Xian Gaza sa himig ng panliligaw sa aktres kahit hindi pa sila talaga formally introduced sa isa’t isa.

Positive naman ang reaksyon ni Erich sa style ng gustong manligaw sa kanya lalo pa’t agad itong naging honest sa estado ng kanyang lovelife. Hmmmm, paano na kaya kung mapabalitang nanliligaw din kay Erich ang isang guwapong politiko na hiwalay na sa kanyang asawa.

Pero binalaan naman ng kanyang mga followers ang aktres at sinabing huwag na huwag makikipagkita sa naturang billboard guy.

Baka raw kasi magamit lang siya nito sa pansariling interes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending