JennyGil nagsasabog ng good vibes sa pamilyang Pinoy | Bandera

JennyGil nagsasabog ng good vibes sa pamilyang Pinoy

|July 03,2017
facebook
share this

JennyGil nagsasabog ng good vibes sa pamilyang Pinoy

- July 03, 2017 - 12:10 AM

WALANG awat sa pagpapakilig ang mga bida ng local adaption ng hit Korean series na My Love From The Star na sina Steffi (Jennylyn Mercado) at Matteo (Gil Cuerva).

Pero siyempre, bukod sa mga pakilig ay kaka-in love na mga eksena sa serye, hindi pa rin mawawala ang mga pesteng kontrabida na nagpapahirap sa mga karakter ng mga bida.

Nakita na ni Jackson (Gabby Eigenmann) na napanood ni Steffi ang video sa USB ni Rachel (Rhian Ramos), kaya inutusan niya ang mga tao niya na saktan o patayin ito.

Ngunit tuluyan nang nahuhulog ang loob ni Matteo kay Steffi at hindi ito papayag na may mangyaring masama sa dalaga.

Pinuna naman ng viewers ang mala-in a relationship na status ng dalawa na may pa-holding hands, date, at pagtulog sa condo ng isa’t isa.

Isang Twitter user ang nagsabing “@edvanrachemarie: Simple lang yung istorya ng MLTFS pero kumpleto, may love story, drama, comedy, suspense, fantasy kaya kaabang-abang #MLFTSRachelsUSB.”

Ayon naman kay @MCph1125, “I really enjoy the chemistry between Jen and Gil! For me, it’s as natural as the sun rising and setting each day! Saya pa! #MLFTSRachelsUSB.”

Samantala, sa pagpapatuloy ng kuwento, si Steffi ay lagi nang dumedepende kay Matteo at lagi na niyang hinahanap-hanap ang binata.

Posible bang nahuhulog na rin ang loob niya sa gwapong alien? Paano poprotektahan ni Matteo si Steffi sa maitim na balak ni Jackson na hindi titigil hangga’t hindi napapatahimik ang babaeng kanyang minamahal?

Ngunit hanggang kailan maaalagaan ni Matteo si Steffi ngayong nalalapit na ang pag-alis niya sa mundo?
Tutukan ang mga nakakakilig at nakaka-inspire na mga kaganapan sa My Love From The Star gabi-gabi pagkatapos ng Mulawin Vs. Ravena sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending