Cash relief sa pamilya OFW sa Marawi City | Bandera

Cash relief sa pamilya OFW sa Marawi City

Liza Soriano |July 01,2017
facebook
share this

Cash relief sa pamilya OFW sa Marawi City

Liza Soriano - July 01, 2017 - 12:10 AM

NABIGYAN ng cash relief assistance ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang may  3,500 pamilya ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Marawi City.

Ito ay sa gitna nang nagpapatuloy na bakbakan ng militar at ng mga terorista sa Marawi.

Umaabot na sa P7 milyon ang inilabas na pondo ng ahensya bilang tulong sa mga miyembro ng OWWA na apektado ng kaguluhan sa Mindanao.

Saklaw ng cash assistance ang mga aktibo at hindi aktibong miyembro ng OWWA alinsunod sa kanilang Welfare Assistance Program.

Ang mga aktibong miyembro ng OWWA ay  tumanggap P3,000 habang P1,500 sa mga non-active  member.

Para sa mga OFW na nais mag-avail ng welfare assistance program ay maaring magtungo sa Regional Welfare Office 10 o tumawag sa kanilang hotline (88) 857 8511; o mobile 0917 548 0033.

Hans Leo Cacdac
OWWA
Administator

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?   Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa  [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending