Diego: Napakaganda po ng relasyon namin ni Sofia! | Bandera

Diego: Napakaganda po ng relasyon namin ni Sofia!

|June 29,2017
facebook
share this

Diego: Napakaganda po ng relasyon namin ni Sofia!

- June 29, 2017 - 12:01 AM

DIEGO LOYZAGA AT SOFIA ANDRES

HINDI tututok sa love story ang pelikulang “Bloody Crayons” kahit na nga bida rito ang loveteam nina Elmo Magalona at Janella Salvador at ang Pusong Ligaw lead stars na sina Sofia Andres at Diego Loyzaga.

Ang “Bloody Crayons” ay isang suspense-thriller, base sa sikat na online book na tungkol sa isang barkada outing na nauwi sa madugong patayan matapos silang maglaro ng bloody crayons.

Ayon sa ElNella at SofiEgo, kakaibang project naman ito na regalo nila sa kanilang fans. Kung pakilig ang hatid nina Janella at Elmo sa huling serye nilang Born For You at sa Pusong Ligaw nina Sofia at Diego, katatakutan at sigawan naman ang mapapanood ng madlang pipol sa “Bloody Crayons”.

Makakasama rin dito sina Jane Oineza, Maris Racal, Ronnie Alonte, Yves Flores at Empoy, sa direksyon ni Topel Lee. Showing na ito sa July 12 sa mga sinehan.

Nang matanong si Diego kung ano na ang estado ng relasyon nila ni Sofia, tugon ng binata, “Were working together, and we are good when we are working together at kung ano man ang relationship naming ni Sofia it’s a good one because we are able to work well with each other.”

Samantala, patuloy pa ring naghahatid ng kilig at good vibes ang tambalang SofiEgo sa seryeng Pusong Ligaw bilang sina Pot at Vida. In fairness, nakaka-in love naman talaga ang mga eksena nila sa serye.

Marami pa raw kayong dapat abangan sa serye ng ABS-CBN after Showtime kaya huwag na huwag na kayong bibitiw. Kasama pa rin sa Pusong Ligaw sina Beauty Gonzales, Bianca King, Joem Bascon at Raymond Bagatsing na may mga bagong pasabog din sa pagpapatuloy ng kuwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending